MANILA, Philippines - Hinirang bilang kasapi ng Advisory Board si GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon para sa 2010 Asian Television Awards (ATA).
Kinikilala ng ATA ang kahusayan ng mga programa, produksiyon at pagganap. Ito rin ang pinakaprestihiyosong parangal na taunang ginagawad sa Asian TV industry. Naglalaban-laban para sa parangal ang mga terrestrial broadcasters, cable and satellite networks at independent production houses.
Ang mga magwawagi ngayong taon para sa Terrestrial Channel of the Year Award, Cable and Satellite Channel of the Year Award, Terrestrial Broadcaster of the Year Award at Cable and Satellite Network of the Year Award ay kikilalanin sa ATA 2010 Gala Dinner na gaganapin sa Singapore sa December 9.
Napanalunan ng GMA Network ang ATA Terrestrial Channel of the Year Award noong 2005. GMA lang ang tanging Philippine TV station na nakapag-uwi na ng nasabing parangal.
“I am honored to sit as a member of the Advisory Board for this year’s Asian Television Awards. After we won the Terrestrial Channel of the year Award in 2005, we became all the more inspired to push for excellence in television production and programming in the country and in Asia,” ani Gozon, na tanging Pilipino sa Advisory Board.