^

PSN Showbiz

Dingdong mas pinagkakaabalahan ang mga kabataan kesa kay Marian

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

MANILA, Philippines - Meron pa palang isang aktres na pasaway sa GMA 7.

Aba nagpi-feeling sikat na raw ito. Sakit din daw ito ng ulo ng production staff ng kinabibilangan niyang programa kaya dusa raw ang mga kasama niya sa taping.

Late daw kung dumating sa taping at kung umasta parang superstar na.

Medyo sikat na siya, pero ‘wag daw muna siyang mag-ilusyon na super sikat siya.

*    *    *

Si Dingdong Dantes pala ang napiling youth ambassador ng National Commission for Culture and The Arts (NCCA). Pormal siyang ipinakilala kahapon ng ilang opisyal ng NCCA.

Naging basehan sa pagkakapili sa aktor ang patuloy niyang suporta sa arts and culture sector kasama na ang kanyang positive at wholesome image. Bilang youth ambassador, siya ang magri-represent sa sektor ng mga kabataan para sa celebration ng Philippine International Arts Festival 2011, isa sa mga flagship project ng NCCA na ang pangunahing layunin ay i-promote ang kulturang Pinoy na pinamumunuan ni Chairman Vilma Labrador. Pero teka ang naka-front kahapon ay ang dating chairman nito na si Ms. Cecil Guidote-Alvares at in fairness, maraming litrato niya ang kasama sa presskit ng NCCA.

Anyway, ang Philippine International Arts Festival ay inaasahang magbibigay ng panibagong kulay sa paglulunsad nila ng Ani ng Sining sa susunod na taon para sa celebration ng National Arts Month. Dalawang dekada na pala nila itong ginagawa pero parang wala naman tayong alam na may ganito pala.

Ang nasabing festival pala ay nagsasama-sama ang libu-libong artists sa buong Pilipinas para i-promote ang ating kultura sa pitong sining.

Kasalukuyan na silang naghahanda para sa pagbubukas nito kung saan magkakaroon ng lectures, conferences, exhibition and performances sa buong bansa.

For more details and concerns, please contact Mr. Rene Napeñas, PIAF Media Director and Head of the NCCA-Public Affairs and Information Office (PAIO) 09285081057 and 527-5529, or Ms. Vanessa Marquez, PIAF Deputy Festival Director, at 527-2209 or 09186380412. You could also call us at 527-2192 loc. 612-615 or e-mail at [email protected]. Or visit the website at www.ncca.gov.ph.

Marami pa silang ibang activities kaya join na kayo.

Bukod sa NCCA, si Dingdong din ang official campaign officer ng People Management Association of the Philippines, isang fifty year old national association of top HR practitioners sa bansa na maglulunsad ngayong taon ng video making contest - The High Flyers Campaign - na ang layunin ay ipagpatuloy ang kampanya and reach the youth more effectively sa pamamagitan ng interactive activity kung saan hindi lang sila magpa-participate and exhibit the three behavioral competencies but gain a much coveted reward sa bandang huli.

At para mas maging aware ang marami, nakipag-partner nga ang PMAP kay Dingdong.

Merong 2 minute video ang aktor na ipinaliliwanag ang kahalagahan ng three behavioral competenciers at nag-iimbita sa mga estudyante na sumali sa nasabing proyekto.

Bukas ang contest sa mga estudyante 16-21 ang edad at magsisimula ito sa November 25 hanggang March 15, 2011. Trip to Boracay and Singapore ang premyo.

Bongga, ibang level na ito for Dingdong. Mga proyektong may katuturan ang kanyang pinagkakaa­balahan wala man siyang masyadong show sa kanyang mother studio.

Wala pa ring balitang pelikulang gagawin niya except the one with Kris Aquino na parang taon pa naman ang bibilangin bago matuloy.

Tapos na rin ang ingay sa kanila ng girlfriend niyang si Marian Rivera. 

BORACAY AND SINGAPORE

CHAIRMAN VILMA LABRADOR

CULTURE AND THE ARTS

DEPUTY FESTIVAL DIRECTOR

HIGH FLYERS CAMPAIGN

KRIS AQUINO

MARIAN RIVERA

NCCA

PHILIPPINE INTERNATIONAL ARTS FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with