Taga-TV5 na, Shalani Soledad sasabak na sa showbiz!

SCENE : Si Shalani Soledad ang napapabalita na mystery co-host ng Willing Willie na ipakikilala bukas.

Seen : Ang opinyon ni Joey de Leon na parang si Paolo (Ballesteros) lang si Jimgirl (Jimboy ) Salazar nang sumali ito kahapon sa Keri Mo Teh.

Scene : Nakakapagod ang pilit na pag-iyak ng mga contestant sa Theme Song ng Buhay Ko ng Pilipinas Win Na Win.

Seen : Fashion victim si Gretchen Barretto sa big scene ng pagwawakas ng Magkaribal noong Biyernes.

Scene : Si Michelle Madrigal ang celebrity castaway na pinatalsik sa isla ng Survivor Philippines noong Biyernes.

Seen : Paulit-ulit na pagpapasalamat nina Rico Puno, Rey Valera, Marco Sison at Nonoy Zuñiga sa ABS-CBN management dahil sa paglalagay sa kanila sa Pilipinas Win Na Win. Not once, not twice, not thrice ang bilang ng pasasalamat nila.

Scene : Ang pilit na pagli-link kina Diether Ocampo at Kris Aquino dahil sila ang magkapareha sa filmfest entry na Dalaw.

Seen : “ I finally found myself and I feel really, really cool” - Hayden Kho, Jr.

Scene : Kasado na ang pelikulang gagawin ng ex-lovers na sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez. Uumpisahan ang shooting ng movie project sa January 2011.

Seen : Nagiging cheesy si Heart Evangelista dahil sa kanyang mga kuwento tungkol sa love affair nila ni Daniel Matsunaga. Dapat may mag-remind kay Heart na hindi na siya high school student. Tama na ang mga pa-tweetums.

Show comments