Kaya hinimatay at laging masama ang pakiramdam, Jennylyn buntis?!

Pinuntahan kahapon ng Startalk staff  si Jennylyn Mercado sa Lumban, Laguna para ipasagot sa kanya ang tsismis na diumano, “ buntis siya.”

Inuulit ko, tsismis ha, hindi confirmed ang news na pregnant si Jennylyn dahil baka wala siyang ipinagkaiba kay Dolly Anne Carvajal na natsismis din noon na pregnant pero “pregnant lang with thoughts.”

Abangan ninyo ngayong hapon sa Startalk ang mga sagot ni Jennylyn sa isyu na buntis DAW uli siya.

True or false man ang tsismis, additional publicity pa rin ito sa filmfest entry niya at sa kanyang afternoon drama series na Little Star.

I repeat, panoorin ninyo ang Startalk para sa sagot ni Jennylyn sa tsismis na may little star na namumuo sa kanyang sinapupunan.

Pacman may sabit na $55,000

Parang type ko na pumunta sa Dallas, Texas at panoorin ang laban nina Manny Pacquiao at Antonio Margarito dahil sa tempting offer ni Edgar na friend ng aking kapatid na si Mando.

Kung matalas ang inyong memory, si Papa Edgar ang naging US correspondent ko sa laban nina Manny at Joshua Clottey as in blow by blow ang kanyang account.

Ang sey ni Papa Edgar,  siya raw ang susundo sa akin sa airport at sagot niya ang hotel na titirhan ko sa Dallas pero nakakaintriga ang kanyang kuwento tungkol sa reklamo ng mga nanood ng concert ni Manny noong mag-win ito sa laban nila ni  Clottey. Ito ang latest report ni Papa Edgar, fresh from Dallas:

“Dito sa Dallas, medyo tagilid ang impresyon ng mga tao kay Manny Pacquiao. Nagtatampo sila kasi, last year, he was paid for to do an after-fight full concert at the right time so people can come in and watch him perform on stage.

“ Ang nangyari, his fight lasted till 2:00 a.m. last year - he finished up and ready to do concert way too late and he started the concert at 2:30 in the morning. Ang mga tao did not had the time to really wait and only a few really stayed and waited for him so they can get their money’s worth.     

“Ngayon, ‘yung mga producers are suing the representatives of Manny Pacquiao and himself,  kasi they were not able to fulfill the agreed concert day, time and venue.

“Marami sa mga Filipinos dito were airing their complaints to me. I was there at his concert and fight. He’s a cool guy. Kaya lang, dapat malaman ni Manny Pacquiao na ‘yung mga reps niya sa California are dealing his concerts in a confusing way. They need to settle the unfulfilled concert of Manny Pacquiao, or else, ibalik na lang sa mga producer ‘ yung down payment nilang 55,000.00 dollars given to Manny Pacquiao last October 2009.

“Thru your column, hopefully, the handlers of Mr. Pacquiao can settle this issue. Dr. Manny Pecania of Dallas- Fort worth and Hermie Pacia of Houston dealt with the contracts. Their contact numbers are: 817-994-7095 (Dr. Pecania) and Hermie ( 832-878-5881). Sana ma-resolve ‘yung issue so everyone can be merry.

“Lolit, are you coming over this November 13 fight of Manny? Tawag ka. Ill pick you up at the airport and let you stay in the hotel. It’s on me. Kumusta kay Mando.”

Paparazzi makikipagbakbakan na sa The Buzz at Showbiz Central

Affected ako ng bagong timeslot ng Paparazzi dahil mahihirapan na ako sa paglilipat ng TV channel tuwing Linggo.

Dati-rati, ang The Buzz at Showbiz Central ang pinag-aaksayahan ko ng oras. Parang hilong talilong ang aking remote control dahil kapag may commercial gap ang Showbiz Central, saka ako maglilpat sa The Buzz at kapag ito ang may commercial break, balik uli ako sa panonood ng Showbiz Central.

Eh 4:00 p.m. na rin ang timeslot ng Paparazzi mula bukas?  Hindi ko yata pinangarap na mag-surf ako sa tatlong TV channel ‘noh! Kaigi-igi noong 2:30 p.m. pa lang ang timeslot ng Paparazzi dahil nasusubaybayan ko ito pero ngayong tatlo na silang talk show na magkakasabay, baka i-sacrifice ko ang panonood sa isa sa kanila dahil wala sa bokabularyo ko ang magpakahilo!

Mala-Jo-Malone

Pinadalhan na ako ni Hayden Kho, Jr. ng sample ng kanyang Hayden perfume and in fairness, talagang mabango ito.

Mala-Jo Malone nga ang packaging ng Hayden Perfume at kung may pagkakaiba man, mas mura ang selling price ng pabango ni Hayden.

Naamoy at ginamit ko na ang Hayden Perfume pero dahil nag-promise ako kay Dra. Viki Belo na behaved muna ako, hindi ko ise-share sa inyo ang effect sa akin ng pabango ng love of her life.

Show comments