Kung kailan naman inamin na nina Kris Bernal at Aljur Abrenica na wala naman talaga silang relasyon bukod sa pagiging magka-loveteam noon at totoong magkaibigan lamang at saka tayo kinilig sa kanilang muling pagkikita. Siguro dahil nakita natin ang totoong kasiyahan at kasabikan nila sa isa’t isa.
Wala na kasing pader na nakapagitan sa kanila. Puwede na nilang ipakita ang kanilang mga tunay na nararamdaman na hindi apektado ang kanilang mga trabaho. Hindi na sila kailangng magkunwari pa na mag-dyowa gayung sa totoo naman ay talagang walang malisya ang kanilang relasyon.
* * *
Humingi na ng apology ang artistang Koreana na namintas sa hindi magandang pagi-Ingles ng mga Pilipino. Nagpaliwanag siya na wala siyang intensiyon na makasakit at hindi lamang ang pagsasalita ng Pinoy kundi ng mga kamukha niyang Asyano in general ang biniro niya na pinalala lamang ng taong siyang naglagay ng subtitles sa programang kanyang nilabasan.
Ang nasabing artistang Koreana ay si Lee Da Hae na hinangaan ng marami sa palabas na My Girl at sa tumatakbong serye ng GMA na East of Eden.
Opinyon ko lang naman na ke Pinoy o ibang tulad niyang Asyano ang ginawa niyang katawa-tawa, dapat hindi niya ‘yun ginawa, porke ba mahusay siyang mag-Ingles dahil lumaki siya sa Australia?
Humingi man siya ng paumanhin, the harm has been done.
* * *
Gusto ng runner-up sa Starstruck na si Sef Cadayona na makilala pa siyang mabuti ng mga tagasubaybay ng local showbiz.
Gusto niyang maipakita sa lahat na bukod sa pag-aartista ay marami pa siyang nakatagong talent na unti-unti na niyang inilalabas ngayon. Gaya ng pagsasayaw na ipinamamalas niya linggu-linggo sa Party Pilipinas.
Marami kasi ang nakatatanda lamang kay Sef bilang endorser ng Cornetto na higit ang kamurahan sa maraming ibang bagay sa halagang P20.
Tama naman siya kung tutuusin, pero bagaman at malaki ang pasasalamat niya sa magandang exposure na nakukuha niya bilang endorser, marami siyang napapasaya sa kanyang paglabas sa Startalk.
Dasal niya na masundan pa ang role na ginagampanan niya sa Ilumina.