MANILA, Philippines - Tinanggap ni Ogie Alcasid ang isang Gold Record award mula sa general manager ng Universal Records, si Kathleen Dy Go, para sa bagong hit album na Ngayon at Kailanman, A Tribute to George Canseco. Naganap ang awarding sa Party Pilipinas ng GMA 7. Ang ilan sa mga paboritong kanta ay Kapantay ay Langit, Kastilyong Buhangin, Dito Ba, Langis at Tubig, Ikaw, Kahapon Lamang, Gaano Kadalas ang Minsan, at Ngayon at Kailanman.