Korina may bagong baby na!

Sa darating na Lunes, November 8 ay isang malaking pagbabago ang magaganap. Magbabalik-telebisyon na ang dating Bise Presidente ng bansa, si Kabayang Noli De Castro, at balik na naman sa news reporting ang broadcast-journalist na si Korina Sanchez.

Isang kapana-panabik na TV Patrol ang mapapanood natin simula sa Lunes, kasama pa rin si Ted Failon na isa ring magaling at respetadong mamamahayag.

Maituturing na haligi pagdating sa paghahatid ng pinakamaiinit na balita sina Noli, Korina, at Ted. “Itong TV Patrol, hindi ko naman hiningi pero ibinigay sa amin, for that I’m very grateful. I’m heartened that the management decided to be confident in me and what I can contribute so marami pong salamat sa tiwala ninyo sa akin,” bungad ni Korina.

“Masaya ako kasi binabalikan ko, pamilya talaga. ‘Yung pinagsamahan namin ni Noli at Ted ay talagang hindi mo matatawaran. Sabay-sabay kaming nagsimula, naghiwa-hiwalay kami ng landas, at hindi talaga akalain naming tatlo na magsasama na naman kami sa iisang landas na naman.

“We’re all coming back to something that we all love, at ‘yan ay maghatid ng balita sa tahanan ng Pilipino gabi-gabi,” dagdag pa ni Korina.

“Ito na ang baby ko muna sa ngayon, ang TV Patrol na nagbabalik sa inyong tahanan. Ang kinalakihan ninyong kabalitaan gabi-gabi. Si Kabayan Noli, si Ted na taga-gising at iyong kasangga si Korina Sanchez. Sana ay walang iwanan, nariyan kayo para sa amin at kami ay naririyan para sa inyo,” pagtatapos pa ni Korina.

Luis Manzano, may bagong babae

Malapit nang magsimula sa ere ang pinakabagong TV show ni Luis Manzano, ang L.O.L. o Laugh Out Loud na isang weekly show.

“I’ve been very blessed to be given another opportunity na ipakita ang kaya ko sa hosting which is L.O.L. or Laugh Out Loud. It’s very very refreshing, once again for Kapamilya network,” nakangiting pahayag ni Luis.

Isang kakaibang uri ng show ang L.O.L. para sa mga televiewers.

“When you watch the news, when you watch TV minsan, ang dami mong napapanood na puro negative, you can’t help but feel sad for one reason or another, but ito ay something that is bound to make you smile. Something to lighten up your mood,” dagdag pa ni Luis.

Isang bago at magandang co-host ang makakasama ni Luis sa L.O.L. “I’ll be co-hosting with a very very special person, na nakikita lang around the cosplay world. Alodia Gosiengfiao, it’s gonna be her first time to host for mainstream TV,” kuwento pa ni Luis. - Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments