^

PSN Showbiz

KC kontra sa masalimuot na kuwento, pinagtanggol pa nang nilayasang manager

-

MANILA, Philippines - “This is to confirm my resignation as co-manager of Ms. KC Concepcion as of August 23, 2010. And understandably, it is expected from Ms. Concepcion to look for a new management of her choice. Upon learning last Tuesday, October 26th, from Star Magic’s head, Ms. Mariole Alberto, that Ms. Concepcion is already under their management, I happily volunteered to assist in any way I can for smooth and proper turnover. I wish Ms. Concepcion all the success she worked hard for and the happiness she prays for in her heart. She is young and very talented, and surely the best is yet to come. Let us all continue to support and cheer her on. Let the hurtful speculations rest as the truth shall always prevail.”

Ito ang mahabang statement ng manager ni KC na si Shirley Kuan.

Nagiging masalimuot na kasi ang kuwento dahil marami nang nakikisawsaw at parang gustong sirain si KC. Pero nagsalita na si SK, wala nang dapat pag-usapan.

* * *

Magniningning ang ABS-CBN sa pormal na pagsisimula ng kanilang Christmas campaign ngayong Huwebes (Nov. 4) para sa taong ito na ilulunsad sa pamamagitan ng pagbabasbas at pagpapailaw ng kanilang ELJ Communication Center kasama ang Pangulo ng Pilipinas na si Noynoy Aquino bilang panauhing pandangal.

Mapapanood na rin sa unang pagkakataon ang inaabangang Christmas station ID na pinamagatang Ngayong Pasko, Magniningning ang Pilipino na muling hihimok para sa pagkakaisa at magbibigay-pugay sa paninindigan ng mga Pilipino para sa pagbabago.

Kasabay ng launching ng Christmas ID, magsasama-sama ang mga ABS-CBN executive, mga empleyado at mga panauhin mula sa gobyerno, pribadong sektor, at media para ipagdiwang ang ika-82 birthday anniversary ng yumaong Chairman ng ABS-CBN na si Geny “Kapitan” Lopez at para kilalanin din ang mga paparangalan sa taunang Bayaning Pilipino Awards.

Bahagi rin ng Christmas campaign ng Dos ang Kapamilya Simbang Gabi, pagbebenta ng Kapamilya Parol, pagsasagawa ng Christmas bazaars, Christmas special sa Araneta Coliseum, paglulunsad ng viewers text promo.

Ngayong taon, gagawing simbolo ng ABS-CBN ang Kapamilya Parol para kumatawan ng pagbabago.

 Pinagsama-sama rin nila ang mahigit 200 na mga Kapamilya sa ABS-CBN - mula Entertainment, News and Current Affairs, ANC, DZMM, Tambayan 101.9, at Regional Network Group.

Pagpapakita ng aliw at serbisyo ang laman ng nasabing video.

Ang Showtime ay nagsagawa ng isang aktwal na show para sa mga madlang people sa Escopa II, Project 4, Quezon City kung saan sila ay namigay ng papremyo.

Binisita naman nina Piolo Pascual, Gretchen Barretto, Pilipinas Win na Win hosts Rico J. Puno, Marco Sison, Rey Valera, Nonoy Zuñiga, Valerie Concepcion, Gee Canlas at Janelle Jamer ang mga pasyente sa Perpetual Succor Hospital sa Sampaloc.

Magsisilbi rin daw alay ang nasabing station ID sa mga nagdadala ng karangalan sa bansa gamit ang kanilang world class na talento tulad ng Journey frontman na si Arnel Pineda at international pop star na si Charice.

Ang theme song na Ngayong Pasko, Magniningning ang Pilipino ay inawit nina Gary Valenciano at Toni Gonzaga kasama ang tinanghal na Choir of the World na University of Santo Tomas Singers sa pamumuno ni Prof. Fidel Calalang Jr. na sinulat ni Jordan Constantino.

* * *

Kung paramihan din lang ng fans, hindi magpapahuli ang tambalang Zantine nina Zanjoe Marudo at Cristine Reyes ng Martha Cecilia’s Kristine. Napatunayan ito noong Oktubre 24, nang magsama-sama ang mga tagasuporta nila sa isang bonggang get-together sa isang restaurant sa Quezon City.

Bongga, ayon sa presidente ng Zantine Nation na si Joyce Ann Solario, dahil ang salu-salong inihanda nila ay lumaki.

Dagdag pa ng presidente ng Zantine, umaapaw ang suporta para sa dalawa dahil kahit mga Pilipino mula sa ibang bansa at ibang rehiyon ng Pilipinas ay tumulong sa pag-oorganisa ng kanilang fan meeting.

“Lumaki ‘yung event. Tulung-tulong. Meron kaming help from abroad and from the other regions,” paliwanag ni Joyce.

 “Ang cute kasi nila sa set. Nanood kami once ng taping and I think hindi lang sa teleserye lumalabas ‘yung sweetness nila. Hindi put-on,” kuwento ng fan na si Vanessa Galera ng Caloocan.

Dagdag pa ni Christian Delos Angeles : “Ang sarap nilang panoorin kasi parang hindi sila umaarte eh.”

Hindi naman inaasahan ng Prince of Passion na si Zanjoe ang tindi ng suporta ng kanilang fans. “Na-sorpresa talaga kami sa laki ng event na ginawa ng Zantine para sa amin ni AA. Matagal na ‘yung huli kong ganung event, ‘yung huli eh noong pagkatapos pa ng PBB,” sabi ng aktor.

Kaya naman patuloy din ang pangunguna ng programa sa timeslot nito kahit tinapatan ito at kahit naurong ito sa late timeslot.

 This week malalaking eksena raw ang mapapanood.

 

vuukle comment

KAPAMILYA PAROL

LEFT

MAGNININGNING

MS. CONCEPCION

NGAYONG PASKO

PARA

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with