MANILA, Philippines - Ngayong panahong ito at katulad ng pagdiriwang ng Halloween taun-taon, maririnig pa rin sa ere at iba pa ang mga kantang katatakutan o may kaugnayan sa okasyon.
Hindi na nga nakakagulat kung maririnig na naman ngayon ang kantang Thriller ni Michael Jackson at ang Monster Mash ni Bobby “Boris” Pickett & the Crypt-Krickers.
Ang dalawang ito, sa nagdaang limang taon, ay nananatiling top two song ng Halloween. Bumalik na naman sila nitong nagdaang linggo sa Hot Digital Songs chart habang naghahanda sa mga Halloween parties ang kanilang tagahanga.
Nakakalungkot lang na pumanaw na ang mga artists na responsable sa mga hits na ito. Namatay noong nakaraang taon sa edad na 50 anyos si Jackson. Sumakabilang-buhay si Pickett noong taong 2007 sa edad na 69 anyos.
Noong taong 2003, pumanaw naman ang dalawang artist na nagbigay sa atin ng memorable na Halloween songs. Ito’y sina Warren Zevon na kumanta ng Werewolves of London at namatay sa edad na 56 anyos. May 82 anyos na nang yumao si Sheb Wooley na kumanta ng kakaibang The Purple People Eater.
Nakapagbenta naman ng 2.5 million digital copies ang Thriller na nagtampok sa isang nakakakilabot na boses ng yumaong aktor na si Vincent Price. Mas mahigit pa ito sa All I Want for Christmas is You ni Mariah Carey na bumenta lang ng 1,591,000 digital copies bilang best-selling Christmas song.
Pumapangatlo naman sa top 10 Halloween songs ang Somebody’s Watching Me ni Rockwell. Kinanta ni Michael Jackson ang background vocal nito na tatlong linggong no. 2 sa chart noong Marso at Abril 1984. Si Rockwell ay anak ni Motown founder Berry Gordy Jr.
Kasama pa sa top 10 Hollywood hits ang Ghostbusters ni Ray Parker Jr. na tumanggap ng Oscar nomination para sa Best Original Song. Narinig ito sa Ghostbusters soundtract at sa cleverly-title greatest album ni Parker na Chartbusters; Dead Man’s Party ng Oingo Boingo (208,000); This is Halloween ni Danny Elfman (190,000) na narinig sa 1993 annimated movie na The Night Before Christmas; Halloween Theme ni John Carpenter (181,000) na unang narinig sa 1978 movie na Halloween na pinagbidahan ni Jamie Lee Curtis; at This is Halloween ni Marilyn Manson (105,000).