MANILA, Philippines - Ang all-Filipino sandals brand na Sandugo, itinatag ng mountaineer at young visionary na si Job Faminialagao, ay pormal na ipinakilala sa publiko sa Bohol. Sinadyang pinili ang lugar kung saan makikita ang historical blood compact nina Sikatuna at Legaspi na nagsasalarawan ng pagkakaisa ng mga mga Pilipino. Dinadala naman ng Sandugo sandals ang “Tibay ng Pinoy Spirit”.
Naisip ni Job noong 1994 ang ideya sa pagdidisenyo ng sandals sa pagkakadismaya sa maraming naunang ginamit sa pag-akyat sa mga kabundukan na lahat ay madaling masira.
Nagsimula lang sa ilang handmade pairs, ngayon ay may 26 boutiques, higit sa 153 kiosks, at 81 concession spaces sa buong Pilipinas. Lahat-lahat, ang Sandugo ay matatagpuan sa mahigit 260 outlets.
Bilang ehemplo ng Tibay ng Pinoy Spirit, napili si Efren Peñaflorida, 2009 CNN Hero na makiisa sa Sandugo brotherhood. Pinagigitnaan sa larawan ang modelong si Efren ng husband and wife team na sina Job at Zsa, kasama ang SDG core management team.