^

PSN Showbiz

Maiba naman, Marian kay Piolo ipapareha

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Balak ng Regal Films na mag-prodyus ng 24 movies next year na kung matutupad, malaking tu­long sa movie industry na every year ay pakonti nang pakonti ang ginagawang pelikula at kinatatakutang tuluyang mamatay na.

Tatlo sa 24 movies ang inihahanda na at isa rito ang pagtatambalan nina Piolo Pascual at Marian Rivera. Wala pang title ang project na sana ay matuloy para ibang pareha naman ang mapapanood ng mga moviegoers.

 Papayag naman siguro ang DongYan fans at fans nina Piolo at KC Concepcion na magtambal sina Marian at Piolo kahit isang pelikula lang. Sana walang magalit.

Isa pa sa 24 movies ang remake ng Aswang na pinagbidahan noong una ni Alma Moreno at gagawin ngayon ni Glaiza de Castro.

Isa pa sa maraming projects ng Regal Films ang Because You Love Me na pagsasamahan nina Gab­by Concepcion at Lovi Poe. Nagkasama na ang dalawa sa White House ng Regal Films, kaya more or less, kilala na nila ang isa’t isa.

May kino-conceptualize pang pro­ject na pagsasamahan nina Glaiza at Lovi at pag-aagawan si Dennis Trillo. As a moviegoer, wish naming matuloy lahat ang mga projects na nabanggit.

*    *    *

Nakita ng isang entertainment e­di­­tor sa mall ang manager ng isang gru­po ng artist na nababalitang lilipat ng manager. Tinawag ng editor ang manager para kumpirmahin ang tsismis, either hindi siya narinig nito o sinadyang dedmahin dahil ayaw siyang kausapin at baka may masabing hindi pa dapat.

Paulit-ulit ding tini-text ang manager ng kaibigang reporter para tanungin kung totoong pakakawalan na niya ang mga talents at hahayaang ibang grupo na ang mag-manage. Hindi rin sumasagot ang ma­nager na ipinagtataka ng reporter dahil dating masipag sumagot ang manager sa mga texts.

Sinubukan ng reporter na ang bagong manager ng group of artist ang tanungin kung totoong iiwan na nila ang matagal na nilang manager para lumipat sa iba, pero ayaw pa nilang magsalita’t gusto sigurong ang manager ang unang magsalita.

*    *    *

Nabasa namin sa Twitter ni Ogie Alcasid kahapon na paalis na siya for Sydney, Australia to visit his family, but a few minutes after, napanood siyang nakikipag-duet kay Regine Velasquez sa Party Pilipinas. Eh, live ang show kahapon.

Naisip na lang namin na taped ang number nina Ogie at Regine at ibang kasama o mas inunang kinunan bago umalis si Ogie.

Siguro hindi lang bibisitahin ni Ogie ang mga anak sa pagpunta niya sa Australia, pag-uusapan din nila ni Michelle van Eimereen-Murrow ang ilang last detail sa Dec. 22 wedding nila ni Regine, kung saan ang ex-wife ang in charge sa flower arrangement sa sinasabing wedding of the year.

vuukle comment

ALMA MORENO

BECAUSE YOU LOVE ME

CONCEPCION

DENNIS TRILLO

MANAGER

OGIE

REGAL FILMS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with