^

PSN Showbiz

Agimat binawi agad ni Bong kay Jolo

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Natatawa na lamang si Sen. Bong Revilla, Jr. kapag tinutukso siya na ipinamana na niya sa anak niyang si Jolo Revilla ang karakter ni Panday sa naging TV series ni Jolo pero sa kanyang pang-MMFF na entry na kasama si Vic Sotto ay muli niyang binabawi ito.

“Hindi ko naman binabawi. Hinihiram ko lang muli. Eventually si Jolo rin naman ang magpapatuloy sa pagbuhay kay Panday,” natatawang sabi ni Bong na proud sa bagong accomplishment ng kanyang anak sa larangan ng pulitika.

Congratulations sa inyong pamilya! Sunud-sunod ang mga blessings na tinatanggap n’yo, pagyamanin ito at gamitin sa mabuting paraan.

*    *    *

Kahit kontrabida ang role ni Maricel Morales sa Little Star, welcome ito sa kanya dahil matagal na niyang nami-miss ang pag-arte. Hindi naman niya expected na isang mahaba-habang role at very challenging pa ang ibibigay sa kanya ng GMA 7.

Sa isang eksenang sampalan nila ni Jennylyn Mercado ay gusto sana niyang dayain na lamang ang eskena. Paano mabigat ang kamay niya at alam niyang masasaktan si Jennylyn kapag dumapo sa mukha nito ang kamay niya pero okay lang kay Jennylyn dahil sanay na itong masampal. Anyway, nag-apologize si Maricel dito matapos ang kanilang eksena.

*    *    *

Totoo ba na tumaas ang ratings ng Noah nang mapasama sa cast si Xyriel Manabat? Before kasi ay parang alon sa pagbaba’t pagtaas ang ratings ng nasabing serye na nagtatampok kina Piolo Pascual at Zaijian Jaranilla. Pero sa pagdating ni Momay ay nananatiling nasa itaas ang ratings ng TV show.

Aba, mabuti na lamang at may nakaisip na isama ito sa serye. Kundi baka nag-Idol din ang Noah, maagang tinapos.

vuukle comment

BONG REVILLA

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

JOLO

JOLO REVILLA

LITTLE STAR

MARICEL MORALES

PANDAY

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with