MANILA, Philippines - May boyfriend na pala si Pia Magalona.
Matagal-tagal na raw ang relasyon ng dalawa at mukhang masaya ang naiwan ng master rapper na si Francis Magalona sa piling ng bagong dyowa.
* * *
Mukhang mari-retain daw sa kanyang posisyon bilang chairman ng Optical Media Board si Ronnie Ricketts. Ayon sa source, wala pang pangalang lumutang na papalit sa kanya. Nakita rin ng source si Ronnie sa Malacañang na nagtuturo ng martial arts last weekend para sa Women’s Right and Gender Equality.
* * *
Inaabangan na ang gaganaping 6th Cinema One Originals Digital Film Festival na magbubukas sa November 10 sa Shang Cineplex of Edsa Shangri-La Plaza mall. Matatapos ito sa November 16 at magkakaroon ng awards night on November 14 sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.
Ang Cinema One Originals ay spearheaded ng Cinema One na inaasahang mas magiging matagumpay ngayong taon.
The festival will also award its Cinema One Original Tribute to two filmmakers who are pillars in local cinema : Celso Ad Castillo and Lav Diaz. Kay Direk Danny Zialcita unang ipinagkaloob ang nasabing recognition.
Pito ang finalists ngayong taon na pinili sa mahigit na 100 entries na umano’y possess liberating out-of-the-box storytelling.
Ang pitong finalists and competing digital movie ay ang Ang Damgo ni Eleuteria by Remton Siega Zuasola, a novelty comedy of a young provincial lass who becomes a mail order bride to hoist her family from poverty.
Second ang Third World Happy of writer-director EJ Salcedo, isang melodrama tungkol sa balikbayan artist who has spent most of his life abroad but whose perspectives in life changes when he comes home to attend a funeral and reunites with his friends and girlfriend.
Ang Astro Mayabang ni director Jason Paul Laxamana ay isang social satire naman tungkol sa financially, socially, intellectually and sexually frustrated man who boasts of his nationalism and Pinoy pride, but ends up humiliated because of his misguided and aggressive ways.
Pang-apat ang Dagim ni Direk Joaquin Pedro Valdes who also co-wrote it with J. Eliseo Sandico na tungkol naman sa dalawang farm brothers na naghahanap sa kanilang nawawalang ama na naging daan to a company of strange mountain inhabitants; Ishmael by Richard Somes na director noong nakaraang taon ng Yanggaw ang sumunod na kasali. Ang pelikula ay tungkol sa ex-convict who is ostracized by his neighborhood.
Ang Tsardyer ng writer-director na si Sigfreid Barros-Sanchez ay base naman sa totoong buhay ng young boy who was tasked by rebel soldiers to charge their phones used for their negotiations with the government while holding the media people they kidnapped.
Ikapito ang Layang Bilanggo na isang family drama about a fugitive.
Kakaiba ang mga tema nila at interesting.
Merong mga pagkakataon na nagkakaroon ng commercial theaters ang mga nasabing indie film.
Mas bumaba ang bilang ng mga pelikulang indie last year at sana ay makatulong ang Cinema One na patuloy na gumawa ng pelikula ang mga independent filmmakers.