Natuloy ang concert kagabi ng David and Friends sa Singapore, kahit dinala sa ospital si Charice dahil sa food poisoning.
Hindi lamang si Charice ang nadale ng food poisoning, May-I-bring din sa ospital ang ibang mga ka-join sa concert. Iniimbestigahan na ang pagkain na kinain ng grupo na naging dahilan para malason sila.
Paolo kinabahan nang malamang buntis na naman si Lian
Magiging ate na si Xonia Aitana dahil five months pregnant ang mommy niya. The who si Xonia? Siya ang panganay na anak nina Paolo Contis at Lian Paz na mag-iisang taon pa lang sa March 7, 2011.
Tiyak na certified ate na si Xonia sa March 2011 dahil ito rin ang due date ng kanyang mommy sa bagong baby nito.
Isisilang uli ni Lian ang second baby nila ni Paolo via caesarian section. Kung babae uli ang ipinagbubuntis ni Lian, type ni Paolo na maging ka-birthday ni Xonia ang kapatid nito.
Hindi muna tiniyak nina Paolo at Lian ang pagbubuntis nito dahil hinintay nila ang kumpirmasyon ng kanilang doktor.
Kaba ang unang na-feel ni Paolo nang malaman nito na preggy uli si Lian. Nag-worry siya dahil isang taon lang ang pagitan ni Xonia at ng coming soon baby.
May katuwiran na mag-alala si Paolo dahil caesarian section ang pagsisilang ni Lian sa kanilang panganay. Hindi pa healed na healed ang sugat ng operasyon kay Lian.
Lalong magsisipag si Paolo sa pagtatrabaho dahil madadagdagan na ang kanyang pamilya at lilipat pa sila sa kanilang bagong bahay.
Vic at Pia, business as usual
Marami ang naintriga sa sagot ni Mama Malou Fagar nang tanungin ito kung naniniwala siya na hiwalay na sina Vic Sotto at Pia Guanio.
Si Mama Malou ang isa sa mga bossing ng Eat Bulaga at araw-araw niya na nakakasama sina Pia at Bossing. Sa madaling-salita, alam ni Mama Malou ang real score.
Business as usual naman ang siney ni Mama Malou sa tsismis na mawawala si Pia bilang co-host ng Eat Bulaga dahil sa mga tsismis na hiwalay na sila ni Enteng Kabisote. Business as usual as in patuloy na mapapanood si Pia sa noontime show na hindi mapatumba ng mga kalaban.
Pia Moran nakalabas na sa rehabilitation center
Na-feature uli kahapon sa Wish Ko Lang si Pia Moran na type na magbalik-showbiz matapos lumabas sa isang rehabilitation center sa Pampanga.
Nabigyan na noon ng chance si Pia na makabalik sa showbiz pero binalikan din niya ang kanyang masamang bisyo.
Nakapanghihinayang ang nangyari kay Pia dahil naging successful siya noong panahon ng kanyang kasikatan. Sikat na sikat noon si Pia sa Japan at naging owner pa siya ng isang disco bar sa Quezon City.
Aral para sa lahat ang naging kapalaran ni Pia.Wala talagang maidudulot na maganda sa buhay ang mga bisyo na chaka.