MANILA, Philippines - Halloween special sa Party Pilipinas ngayong Linggo kaya ang musical ay pinamagatang Fans vs. Zombies!
May bagong twist ang mga powerful songs and dance numbers na gagawin nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Jaya, Kyla, JayR, Rachelle Ann Go, Jolina Magdangal, Mark Bautista, Kris Lawrence, at ang award-winning trio na La Diva.
Live sa GMA Network Studios, mas pasisiglahin ng Party Pilipinas ang hapon sa pinaghandaang produksiyon nina Jake Vargas, Bea Binene, Kristoffer Martin, Lexi Fernandez, Joyce Ching, Derek Monasterio, at Louise delos Reyes, kasama pa ang P-pop group XLR8.
Siyempre hindi mawawala ang trick or treat! Bida rito ang mga child stars na sina Julian Trono, Jillian Ward, at Nicky Castro ng Little Star. Espesyal na Disney-themed production number naman ang ipapakita nina Ynna Asistio, Elmo Magalona, Sarah Labahti, at Julie Ann San Jose.
Hindi naman pahuhuli ang Sayaw Pilipinas segment sa pangunguna ng Bad Boy ng Dance Floor na si Mark Herras. Kasama ni Mark ang mga ensayadong sina Yassi Pressman, Diva Montelaba, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Sef Cadayona, Mayton Eugenio, at Winwyn Marquez.
“Everybody is talented, gifted, and a fast learner,” sabi ni Miggy Tanchangco, ang dance head ng Party Pilipinas.
Ayon kina Mark at Yassi, ang Sayaw Pilipinas ay hango sa mga naunang segments na Boys iLike at Girls I Want. Nang dumating sina Direk Mark Reyes at Rico Gutierrez, lahat ng mga miyembro, pati na ang mga dance groups na Manouevre at MaxMovement, ay pinag-isa na sa Sayaw Pilipinas.
Nakakatulong din ng malaki ang pagkakaroon nila ng mga magagaling na choreographers. Isa na ang 26 years old na si Euaj Corpuz. Sa Los Angeles at New York pa niya natutunan ang mga makabagong dance steps.
Para kay Direk Mark, ang pagsasayaw na ang bagong lenggwahe ng henerasyon ngayon. “The way they take risks in dancing, it’s a statement,” sabi ng direktor. “And that kind of dancing is what today’s youth can call their own.”
Sa bagong parte ng Sayaw Pilipinas, ipinakilala na rin ang Dance Republic. Sa huli makikita ang mga naglalakihang stars na hindi madalas nakikitang sumasayaw. Ang Sayaw Pilipinas members ang bahala sa kanila sa entablado.
Balik-bayan
Libreng Motorist Assistance mula sa Q Channel 11’s Balik-Bayan ngayong Undas 2010
Nagbabalik muli ngayong taon ang Balik-Bayan Bantay-Biyahe Undas 2010, ang two-day motorist assistance event ng Balik-Bayan, palabas tuwing Biyernes, 10:00 p.m., pagkatapos ng News on Q, sa Q Channel 11.
Ang unang event ay ginanap noong Biyernes, October 29.
Ang pangalawang Bantay-Biyahe event ay sa Martes, November 2, 5:00 p.m. hanggang 11:00 p.m. sa Petron Station ng North Luzon Expressway in Balagtas, Bulacan.
Sa two-day event, na bahagi din ng pagdiriwang ng 5th anniversary ng programa kasama ang Philippine National Red Cross na maghahatid ng libreng first aid service, blood pressure check-up at ambulance services.
Ang mga motorista na daraan sa mga nasabing gas stations sa nabanggit na oras ay maaari ring sumali sa mga fun games para manalo ng mga items na magagamit sa biyahe tulad ng mga payong, tumblers, towels, at tote bags. May mga freebies din tulad ng mga gamot, candies, tubig, at snacks.
Taong unggoy, Dadamayan ni Ted Failon
Ano nga ba ang bukas na naghihintay para kay Paulo, isang 23 anyos na binata na dahil sa kakaibang anyo ay kinutya at binansagang taong unggoy?
Nang iluwal pa lamang si Paulo ay puno na ang kanyang katawan ng mga makapal at napaka-itim na balat o birthmarks at tadtad din ito ng napakaraming butlig na tila makakapal na nunal na umaabot pa sa kanyang mukha.
Ayon sa ina niyang si Aida, tatlong buwan niya pa lang ipinagbubuntis ang anak ay naiinis siya noon sa unggoy na alaga ng kanilang nirerentahan na bahay sa Gudalupe, Makati. Natutuwa raw ang kanyang asawa sa naturang hayop at madalas pa ay pinapakain niya ito ng butong pakwan.
Haka-haka lang ni Aling Aida ang paglilihi bilang posibleng dahilan ngunit wala pa talagang katiyakan kung ano ang kalagayan ni Paulo.
Sa ngayon tumutulong na lang ito sa kanyang ina at huminto na sa pag-aaral na naudyok ng makakuha ito ng panlalait sa mismong eskwelahan na huwag na raw siya mag-aral dahil wala rin namang trabahong naghihintay sa kanya dala ng kanyang itsura.
Samahan si Ted Failon ngayong Sabado (Oct 30) at alamin kung paano makakatulong kay Paulo sa Failon Ngayon, sa bago nitong oras tuwing 9:30 PM na sa ABS-CBN.