^

PSN Showbiz

Rayver binubuyo ni Zanjoe na mag-inom!

- TV UPDATE -

Maski pinagtatapat, nananatiling matibay ang pagkakaibigan nina Rayver Cruz at Zanjoe Marudo, na magkasama ngayon sa pinakamainit na teleserye sa primetime na Martha Cecilia’s Kristine. 

Noong nakaraang linggo, nasaksihan ng buong bayan ang pagpasok ni Rayver bilang Lance Navarro sa programa, na magiging tinik sa pagmamahalan nina Jewel (Cristine Reyes) at Jaime (Zanjoe).

Pagbubunyag ni Rayver, sila pa raw ni Zanjoe ang madalas magka-kuwentuhan sa set. “Si Z kasi siya ‘yung lagi kong kasama sa dressing room at matagal ko na rin siyang kaibigan. ‘Pag may time, nag-uusap kami ni AA (Cristine) tungkol sa mga eksena.”

Dahil magbarkada sa tunay na buhay, minsan magkasama rin ang dalawa sa mga lakad. Nabalita pa nga na binubuyo ni Zanjoe si Rayver na uminom, na itinanggi naman ng huli.

“Hindi bad influence si Z. ‘Pag goodtime talaga kayo ng barkada, minsan imposibleng hindi kayo iinom. Pero hindi naman magpapakalasing, o hindi naman sa puntong magpapakawasak kami ‘di ba?” paglilinaw ng guwapong aktor.

Kung magkasundo sila sa tunay na buhay, sa Kristine naman mag­ba­­­banggaan sina Jaime at Lance nga­yong linggo. Pati si Don Leon, su­sugurin din ni Jaime para ipaglaban ang kasintahan, pero hihiyain lang siya nito sa harap ng buong bayan.

Aakuin naman ni Emerald ang Mon­tecielo Minings company na pag-aari ng mga Fortalejo, na nais namang bawiin nina Marco at ng dati n’yang kasintahan.

Dahil sa mga kapana-panabik na eksena tulad nito, hindi bumitaw ang manonood sa Kristine, na pinataob naman ang bagong programa ng GMA 7 na Beauty Queen. Wagi ang Kristine noong Lunes sa rating na 13.8% at nananatiling numero uno sa timeslot nito ayon sa nationwide overnight ratings mula sa Kantar Media.

KAPAMILYA NAGHAKOT SA CMMA

 Kapupulutan pa ng mahahalagang catholic values ang mga programa ng ABS-CBN na napatunayan kamakailan sa ginanap na Catholic Mass Media Awards 2010 kung saan humakot ng major awards ang Kapamilya network sa larangan ng telebisyon at radyo.

Pito sa 13 kategorya para sa TV ay napanalunan ng ABS-CBN kabilang ang Kulilit para sa best program for children and youth; Si Bro ang Star ng Pasko 2000 para sa station ID; Maalaala Mo Kaya para sa drama series; Ang Aming mga Sala para sa TV special; TV Patrol Sabado para sa special event coverage; Rated K para sa news magazine program at TV Patrol para sa best news program.

Binigyan naman ng special citation ang top-rating santaserye na Agua Bendita kasabay din ang public service program na Failon Ngayon at reality-talk show na Bottomline.

Pagdating naman sa larangan ng radyo, namayagpag ang DZMM matapos maiuwi ang anim sa pitong kategorya - best branded radio ad para sa Child Labor: Piko, counseling program para sa Dr. Love, drama program para sa Maalaala Mo Kaya, business radio news or feature para sa Sikap Pinoy, public service program para sa Tambalang Failon at Sanchez, news program para sa Radyo Patrol Balita at news commentary para sa Pasada Sais Trenta.

Wagi rin ang ABS-CBN Publishing ng Best Special Feature award sa print category para sa magasin nito na Paalam Cory: An ABS-CBN Commemorative Special habang ang May Bukas Pa ng Star Recording Inc. ay pinarangalan ng Best Album-Inspirational sa music category. 

GMAAC talents humahataw sa mga serye

 Maraming GMA Artist Center (GMAAC) talents ang bida sa mga pinaka-pinapanood na serye ng GMA 7 tulad ng Ilumina, Koreana, Trudis Liit, at Beauty Queen.

Si Kris Bernal, na nagbabalik sa telebisyon, ay natutuwa na tinatawag na sa palayaw na Koreana, na siyang titulo ng TV series niya. Kasama niya rito ang mga Starstruck alumni na sina Rocco Nacino at Steven Silva.

Namamayagpag din ang mga young achievers ng GMAAC dahil top-rating ang mga tween stars: Joshua Dionisio, Barbie Forteza, Jake Vargas, Bea Binene, Derek Monasterio, Louise Delos Reyes, at Lexi Fernandez.

Si Iza Calzado, isa sa mga premyadong aktres ng kanyang henerasyon, ang pambato sa Beauty Queen at co-stars sina Marvin Agustin at Victor Aliwalas.

Patok naman si Mike Tan bilang si Migs Ocampo sa Jillian Ward-starrer na Trudis Liit.

Sinusubaybayan naman ang witchcraft-and-sorcery drama ng Ilumina na pinangungunahan nina Rhian Ramos, Aljur Abrenica, Jackie Rice, Bea, Sef Cadayona at Lexi Fernandez.

 Ang lahat ng mga sikreto ng pinaka-makapangyarihan ay na kay Elizaria (Sam Pinto) at itinatago ito ni Rhian. Kalaban at karibal naman si Jackie sa puso ni Iñigo.

Napakarami ring magagaling na aktor na sumusuporta sa mga young actors ngayon tulad nina Cesar Montano, Ara Mina, Jean Garcia, Pen Medina, at Christopher de Leon.

Nakakapagpaganda rin ng kuwento ang paglabas nina Rochelle Pangilinan, Paulo Avelino, at Jen Rosendahl.

Kahit na ang opening theme ng Ilumina ay kakaiba rin. Isinulat at kinanta ang Tadhana ng indie band na Up Dharma Down.

BEAUTY QUEEN

ILUMINA

JAIME

KRISTINE

LEXI FERNANDEZ

MAALAALA MO KAYA

NAMAN

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with