Sam Milby basted kay Marie Digby

Isang indie film na may temang drama ang ginawa ni Sam Milby para sa Ci­nema One Originals na mapapanood na sa November, ang Third World Happy. Makakasama ni Sam dito si Jodi Sta. Maria na isa ring magaling na aktres.

Nagtapos man ang teleseryeng Idol ay abala rin si Sam sa iba pa niyang showbiz commitments. Napababayaan na nga ba ni Sam ang kanyang lovelife? Ano na nga ba ang status ng relationship nila ng foreign acoustic sensation na si Marie Digby ngayon?

“We might see each other but we already talked. Kasi before we went on a few dates and we always talked. Now we decided na friends lang,” pag-amin ni Sam.

Bakit naman kaya nag-decide ang dalawa na maging magkaibigan na lang?

“Siyempre, mahirap talaga, at first we didn’t know each other, only through Twitter, through texting. But we’re still friends and I know that she’s someone that I can count on, ang bait-bait talaga sa lahat and if I need someone to talk to, nandiyan siya,” pagtatapat pa ng hunk actor.

Magbabakasyon kasama ang pamilya

Labis ang pasasalamat ni Derek Ramsay sa lahat ng patuloy na tumatangkilik sa teleserye nilang Magkaribal. Excited ang binata sa pagtatapos ng serye nila sa susunod na linggo dahil magkakaroon na siya ng oras para makapagbakasyon.

“It’s a really nice way to end a year na napaka-successful ng Magkaribal, and Christmas is gonna be a little lighter na wala akong trabaho and we’re gonna travel with my family, so looking forward to it,” nakangiting bungad ni Derek.

Ngayon pa lamang ay pinaplano na ng aktor ang bakasyon dahil kasama ang kanyang buong pamilya at ang kanyang girlfriend na si Ange­lica Panganiban at ang pamilya nito. “I’ll drive down and see Angel’s family and after Christmas ay doon naman kami rarampa sa Indonesia. I think we’re going to Bali after the 26th or 27th just after Christmas day. My family and Angel’s are gonna go to Bali,” dagdag pa ni Derek.

Hands-on din si Angelica sa pagpaplano ng kanilang Christmas vacation. Nakapag-travel na dati si Angelica kasama ang pamilya ni Derek, very welcome and at home naman ang dalaga sa pamilya ni Derek.

“They don’t consider her girlfriend, they consider her family. Ang dami-dami kasi namin, so kung saan-saan kami natutulog doon, sometimes Angel’s with my nephews, with my niece, so it’s parang isang pamilya,” kuwento pa ni Derek. — Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments