^

PSN Showbiz

Korina naiinip na sa Kapamilya

- Veronica R. Samio -

Tingnan nga natin kung pangangatawanan ni Korina Sanchez ’yung sinabi niyang okay lang sa kanya na hintayin ang panahon na ipatawag siya ng Kapamilya Network para balikan ang kanyang trabaho.

Malakas kasi ang ugong na mayroong negosas­yong nagaganap sa pagitan ni Korina Sanchez-Roxas at ng TV5. Maaaring ang iniwan niyang trabaho sa ABS-CBN ay sa kalabang network na niya babalikan.

Naka-leave of absence lamang naman siya sa ABS-CBN dahil ikinampanya ang asawa niya matapos silang magpakasal. Puwede siyang bumalik pero sa kagustuhan nila at hindi niya. Baka naman naiinip na siya dahil hindi pa siya nakakatanggap ng patawag.

regine at dingdong may problema

Sa kabila ng pagsisimula niya ng isang indie film katambal si Christian Bau­tista, nabalikan na rin ni Regine Velasquez ang pelikula nila ni Aga Muhlach sa Viva Films na ang tagal nabinbin.

Sa kabila ng kanyang kaabalahan sa paghahanda para sa kanyang napipintong kasal sa Disyembre, ayaw niyang may maiwang pelikula na nasimulan na niya pero hindi matapus-tapos dahil sa maraming aberya na parehong kasalanan nila ni Aga, minarapat ng future bride ni Ogie Alcasid na matapos na nila ang Of All the Things na isa na namang love story na siyang gustung-gusto pareho ng mga fans nila ni Aga.

Meron din siyang sisimulang serye sa TV na dapat ay kasama si Dingdong Dantes pero mukhang sila naman ni Dingdong ang magkakaaberya this time.

Sikat na chef magho-host ng game show

Kung tagahanga kayo ng mga cooking shows, siguradong hindi na bago sa inyo ang pangalang Guy Fieri. Kilalang chef siya sa Food Network at hindi makakalakad ng kalsada nang hindi siya pinagkaka­gu­luhan ng tao. Mayroon siyang tatlong malalaki at ma­tatagumpay na cooking shows, at nagmamay-ari ng limang malalaki ring restaurants. Ang kanyang kasikatan ang dahilan kung bakit siya kinuha para mag-host ng isang matagumpay na game show sa Amerika, ang Minute To Win It.

Nabili ng Solar TV ang karapatan para maipalabas ang Minute To Win It dito sa bansa tuwing Lunes, 7:00 p.m. Susundan ito ng America’s Best Dance Crew, 5th season sa 8:00 p.m. at America’s Got Talent Season 4, 9:00 p.m. May replay ang Minute To Win It tuwing Sabado, 6:30 p.m.

Hindi nangiming magtapon ng malalaking halaga ang Solar TV nung magkaroon sila ng trade launch para sa Minute To Win It. Iisang laro lamang ang pinagla­banan dahil kumain ito ng maraming oras. Sampu ang pinili at random mula sa mga bisita para maglaro. May isang nanalo ng P20,000 at P20,000 ding halaga ng gift check. ’Yung runner-up niya won P10,000 in cash and gift certificates.

Yung natalong walo were also given P5,000 in cash and gift certificates.

Nagpa-raffle rin ng mula sa P1,000 hanggang P20,000.

Totoong madadali lamang ang ipinagawa sa sampu pero lahat ng challenges ay may twist, tulad nung pagsasalansan pataas ng limang mansanas, paglaglag mula sa mesa ng 10 baso na plastic gamit ang isang lobo na hinihipan para magkahangin at siyang ginagamit para ilaglag ang mga baso at ’yung paramihan ng matatanggal na tisyu mula sa kahon nito na gamit ay isang kamay lamang.

AGA MUHLACH

ALL THE THINGS

BEST DANCE CREW

CHRISTIAN BAU

DINGDONG DANTES

FOOD NETWORK

GOT TALENT SEASON

GUY FIERI

MINUTE TO WIN IT

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with