^

PSN Showbiz

Pauleen paboritong awayin ng maraming kapwa niya aktres

- Veronica R. Samio -

Bakit ba dumarami ang mga artistang babae na nag-aaway? Si Pauleen Luna, bakit palagi na lang siyang inaaway ng mga kapwa niya artista? ‘Yung sina­bi niya sa kanyang in­ter­view sa TV na ayaw niyang pag-usapan si Cris­tine Reyes dahil hindi niya alam kung bakit ito nagagalit sa kanya ay lalo lamang nag­pasiklab sa galit ni Cris­tine kaya bini­bira siya nito sa Internet.

Kailan kaya matatapos ang away ng mga artistang babae na ang pinagbubu­hatan ay isang artistang lalaki? Naka­kahiya kasi, luma­labas silang cheap. At si Pau­leen, bakit tila pa­borito siyang pagtulung-tulungan ng mga kapwa niya artistang babae?

* * *

Siguro para tuluyan nang makabalik sa eksenang local, mapa-showbis man o hindi si Hayden Kho ay tanggapin na niya ang kanyang kasalanan at mag-sorry na lang kay Katrina Halili. Makipag-ayos na rin siya, sa pahintulot ng kanyang abogado. Hinding-hindi talaga makakalimutan ng lahat ang kan­yang gina­wang pag­bi-video ng mga personal nilang ugnayan ng aktres kaya kahit hindi siya ang nagpakalat ng video ay may dapat pa rin siyang pa­nagutan.

May bago siyang proyekto (negosyo) na I’m sure ay magiging available din locally, kung gusto niyang mag­tagumpay dito at bilhin ng tao, kailangang isaayos muna niya ang lahat ng may kinalaman sa kanya.

* * *

Bigatin naman si Michael V. Bumili ito ng bahay sa Ca­lifornia, USA hindi para manirahan doon kundi kapag nagbaba­kas­­yon sila ng kanyang pamilya ay maging malapit lamang sila sa Disneyland at Uni­versal Stu­dio na pa­boritong pasyalan ng mga nag­pupunta dun.

Sa Pilipinas nagka­roon ng magandang buhay at maging ng magandang edu­kasyon (PLM) ang ko­med­yante kaya hindi niya ito maipagpapalit sa klase ng edukasyon na maku­kuha ng kanyang mga anak sa bansang sinilangan nila at kinalakihan.

BIGATIN

BUMILI

HAYDEN KHO

KATRINA HALILI

MICHAEL V

NIYA

SA PILIPINAS

SHY

SI PAULEEN LUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with