TRUE : Sa Nov. 5 magkakaroon ng hearing kaugnay sa motion for gag order na isinumite ng abogado ni James Yap na si Atty. Lorna Kapunan.
Matagal nang sinasabi ni Atty. Kapunan na sana ay manahimik na ang dalawang kampo dahil nasa korte na ang annulment case nina James at Kris Aquino kaya mabuting wala nang magsalita sa kanila.
Dagdag na paliwanag ni Atty. Kapunan, kaso ito ng pamilya na hindi na kailangang pag-usapan sa publiko kaya pinapatahimik na nito si James para hindi na rin magsalita si Kris tungkol sa kanilang problema.
TANONG : Totoo kayang panay ang eksena ni Krista Kleiner sa gaganaping Ms. International sa China?
Maraming sumusubaybay sa pagsali ni Krista sa 2010 Ms. International at sa halos lahat ng mga events ng naturang international beauty competition ay hindi nagpapahuli si Krista.
Naka-post ngayon sa ilang Internet websites ang mga litrato ni Krista sa ilang events doon ng Ms. International.
Kakaiba ang national costume nitong blue terno, may hawak na pamaypay at ang kabilang kamay ay may hawak naman na tsako.
Hindi namin ma-gets kung ano ang gusto niyang iparating sa costume na suot.
Meron din silang litratong naka-swimsuit, pero siya lang ang naka-one piece, samantalang ang ibang mga co-candidates nito ay naka-two-piece.
TOTOO KAYANG may ibang boyfriend na si Pia Guanio kaya binuhay na naman ang isyung break-up nila ni Vic Sotto?
Kahit ang ilang staff ng show ni Pia ay nagdududa na ring parang may ibang boyfriend na ito dahil sa iba na ang glow ng TV host ngayon kahit muling napag-usapan ang hiwalayan nila ni Vic.
Pero hindi pa rin naniniwala ang ilang taong malapit sa dalawa na break na sila dahil parang wala namang nabago sa kanilang closeness kapag magkasama sila sa Eat Bulaga.
Dapat itong sagutin ni Pia kung totoo bang may ibang boyfriend na siya.
TSIKA LANG : Ayaw munang sagutin ni Paolo Contis ang isyung buntis na naman si Lian Paz.
Abangan na lang sa Startalk ang announcement nila ni Lian dahil mabuting sigurado na sila.
Kay Paolo pinaka-close ang panganay nilang si Xonia at kung confirmed na buntis nga si Lian, sana ay baby boy na ito para may partner na ang kanilang baby girl.