Moralidad ni Rufa Mae, 'inirereklamo'

Napansin ko ang seksing outfit ni Rufa Mae Quinto sa Showbiz Central noong Linggo kaya nain­tindihan ko ang pinanggaga­lingan ng reklamo ni Zenbunal ng Florida, USA. Sure ako na talagang resi­dente ng US ang e-mail sender dahil ibinigay niya ang kanyang complete address at e-mail address. Heto ang kanyang emote:

“Isa akong subscriber ng GMA Pinoy TV dito sa Jacksonville, Florida, USA. Sa iyo ako sumulat dahil alam ko na taga-GMA7 ka, napapanood kita sa Startalk.

“Masyadong mababa ang mora­lidad ng mga artista ngayon. Napa­nood ko sa Showbiz Central ngayong Linggo (Oct. 24) si Rufa Mae Quinto na halos labas na ang ‘boobs.’

“Bakit pinapayagan ng manage­ment na ganoon ang isinusuot ng mga artista ninyo? May bata pa na­man na kasama sa show. Guest nila ang batang gumanap sa Little Star.

“Kahit 35 years na ako dito sa US, hindi pa rin nagbabago ang moralidad ko bilang isang Pilipina. Siguro kung si Laguardia pa ang nasa MTRCB ay pagbabawalan niya ang mga ganoong suot na halos labas na ang ‘boobs.’

“Kung puwede sana, iparating mo sa man­agement ang comment ko dahil ititigil ko na ang pag-subscribe ko sa GMA Pinoy TV.”

Sa pagkakaalam ko, nasa puwesto pa rin si MTRCB Chair Consoliza Laguardia dahil sa Nov. 4 pa yata manunungkulan ang kanyang ka­­pa­­lit, si incoming MTRCB Chair Grace Poe-Lla­manzares.

Makakaasa ang e-mail sender na maka­karating sa mga kina­uukulan ang kanyang con­cern. Holiday kahapon sa Pilipinas dahil sa Ba­rangay at SK elections kaya walang pasok sa mga government agencies tulad ng Movie and Tele­vision Review and Classification Board.

Back to work

Back to work today ang lahat pagkatapos ng long weekend. Dalawa ang presscon ngayon kaya bongga ang unang araw ng pagtatrabaho ng entertainment press.

My lips are sealed. Hindi ko sasabihin ang lugar ng mga presscons para hindi ito puntahan ng mga gatecrashers.

Aubrey ipinahahamak ng mga kilos

Pinapanood ko ang Survivor Philippines: Celeb­rity Showdown kaya kahit mag-deny sina Aub­rey Miles, Michelle Madrigal, at Jon Hall, hala­tang hindi sila komportable sa presence ng isa’t isa.

Ipinagkakanulo si Aubrey ng kanyang mga kilos at salita kapag hindi niya kasama sa grupo ang mag-dyowang Michelle at Jon. Parang kailan lang noong tumatakas si Aubrey papunta sa Cebu para magkita sila ni Jon dahil sobrang in love siya sa kanyang ex-boyfriend na karelasyon ngayon ni Michelle.

Mukha ni Sarah L. nagkaroon ng pimples sa taping

Nagkaroon ng pimples ang dating makinis na mukha ni Sarah Lahbati dahil napupuyat siya sa taping ng Little Star.

Hindi nagkukulang si Sarah sa pag-aalaga sa kanyang face. Naiilang na nga siya kapag pinupuna ang pimples niya. Walang dapat ika-worry ang mga fans ni Sarah dahil kumukunsulta na siya sa isang dermatologist. Mas mahirap yata na may pimples ka na nga, wala ka pang regular TV show.

Show comments