Araneta nayanig kay Charice

Walang umuwing hindi nag-enjoy sa concert ng Hitman na si David Foster kasama sina Peter Ce­tera, Natalie Cole, Ruben Studdard, Cana­dian Tenors, and Charice. Ang gagaling naman kasi nila. Kaya tuloy, kahit nakapag-encore na ang gru­po, su­mi­sigaw pa ng “more, more, more” ang mga tao sa Ara­neta Coliseum na walang naiwang upuang ba­kante hanggang sa pinaka-itaas na puwesto ng arena.

Samantalang kung tutuusin ay hindi mura ang presyo ng ticket: Super VIP – P15,900; VIP Patron – P12,720; Special Lower Box – P8,480; Regular Lower Box – P6,360; Upper Box A – P3,710; Upper Box B – P1,590; at General Admission – P530. Almost 11:15 na­tapos ang concert na nag-umpisa ng 8:30.

Na-appreciate ni Mr. Foster ang mainit na mainit na pagtanggap sa kanya at sa grupo, lalo na kay Charice, ng mga Pinoy. Halos mayanig talaga ang buong dome sa sigawan at palakpakan ng mga tao.

Kumbinasyon ang mga na­nood – may mga bagets at may mga may edad-edad na rin na followers ni Charice at siyem­pre, ang mga fans ng kanta ni Mr. Foster. May mga naka-wheelchair pang naka­pila sa Patron section na nilapitan ng Canadian mu­sician na naka­trabaho na ng maraming ma­lala­king singer sa mundo tulad nina Andrea Bocelli, Céline Di­on, Mariah Carey, Gloria Es­tefan, Nsync, Neil Dia­mond, Whitney Housto­n, Cher, Prince, Chicago, Earth Wind and Fire, Cha­ka Khan, Barbra Strei­sand, Kenny Rogers, Boz Scaggs, Olivia Newton-John, Madonna, Michael Jackson, Janet Jackson, The Bee Gees, Bryan Adams, Christina Aguilera, at maraming-marami pang iba.

Winner din siya ng 15 Grammy Awards, three Gram­my Producer of the Year Awards, seven Canadian Juno Awards, Emmy Award, Golden Globe Award, Billboard Magazines’ Top Singles Producer, Billboard Magazines’ Top R&B Producer, three-time Oscar nominee at may 46 Grammy no­mina­tions, at ang pinaka-latest ay ang Song­writers Hall of Fame sa New York.

Anyway, ang Canadian Tenors ang unang suma­lang. Hindi ko na nasimulan ang grupo. Pero inabutan ko na silang pakanta ng The Prayer.

Sumunod si Natalie Cole na bumanat ng Miss You Like Crazy and Unforgettable na sinabayan ng audience na alive na alive na nang matapos ku­­­manta ay na-amaze si Mr. Foster sa audience.

Part din ng show ang pagpili sa audience ng ka­kanta. Bumirit ang isa ng Celine Dion song at isang trio na bumanat naman ng Pyramid with matching choreography.

Si Ruben Studdard na ang sumunod, bukod sa mga kanta ng isang song ng Earth, Wind and Fire, kinanta rin niya ang I Swear, Let Me Go Home kung saan nakikanta rin ang buong Araneta.

Si Ruben pala ang singer na kahit isang line lang ng word ay kanyang iginawa ng kanta. Dalawa ang nila­pitan ng may hawak ngayon sa career ni Charice na si Mr. Foster na halos 500 million al­bums ang na­benta sa buong mundo, at ang galing, nagawan agad nila ng kanta samantalang isang linya lang ang ibinigay sa kanila.

Nag-duet din sina Ruben at Natalie ng When I Fall In Love.

Nang bumababa rin siya sa audience para hu­manap uli ng kakanta for 30 seconds, sina Randy Santiago at Pilita Corrales ang napili ni Mr. Foster. Si Randy na pupunta lang sana sa comfort room ay nagkaroon ng impromptu number with Mr. Foster sa stage. Pinili niyang kantahin ang White Flowers habang si Pilita ay bumanat ng Dahil Sa ’Yo na ikinagulat ng Canadian musician.

Nag-dialogue tuloy siya pagkatapos ng “Everybody in the Philippines sings.”

Nasa audience rin si Arnel Pineda na pinakanta rin ng Hard Habit to Break na sinulat niya para sa grupong Chicago.

Si Peter Cetera pala ang nagtsismis kay Mr. Foster na pumapalakpak ang mga Pinoy ’pag nanonood ng concert at sumasabay sa kanta. Kinanta nito ang You’re the Inspiration, If You Leave Me Now, at ang Glory of Love ng The Karate Kid at pinatunayan niyang totoo ang sinabi niya kay Mr. Foster.

Nangako ang Hitman na babalik sila sa Araw ng mga Puso, Valentine’s Day, na kung wala raw love and romance ay wala siyang career at tatlong ex-wives. Shocked daw talaga siya sa pagtanggap ng mga Pinoy.

Si Charice ang highlight ng David Foster and Friends concert. Dumagundong ang Araneta nang tawagin siya na nakasuot ng pink dress at curly ang hair at siyempre, dala ang kanyang Sennheiser Swarovski crystal-studded bling-bling microphone na lagi niyang bitbit kahit saan siya mag-perform. Inulit ni Mr. Foster sa intro ang extraordinary talent ng Pinay.

Power of Love ang unang kinanta ni Charice. Halos mayanig talaga ang Big Dome sa pagpalakpak na sinundan ng isa pang Celine Dion signature song, To Love You More.

Pangatlo ang Billboard hit single niyang Pyramid.

Mas magaling palang kumanta ng live si Charice kesa sa TV or ’yung naririnig lang natin sa CD. Ang kinis ng boses niya at kayang-kaya ang matataas na notes.

Kasama rin sa kinanta niya ang The Bodyguard medley na sinulat ni Mr. Foster na parang mas kilala na siyang kumanta kesa sa original na si Whitney Houston.

Ilang beses nagkaroon ng standing ovation particular na sa Bodyguard songs para kay Charice.

Sa encore, sinamahan na siya ng Canadian Tenors, at nina Natalie, Ruben, at Peter sa Earth Song na originally sung by Michael Jackson.

Personal nga palang pinasalamatan ni Mr. Foster si Dave Duenas, YouTube’s False Voice na naging instrumento para makilala si Charice sa international community. Hinanap niya sa audience at pinatayo pa.

Siyanga naman, kundi dahil sa kanya, walang Charice na lalabas uli sa isang episode ng Glee.

Lovi ayaw makipag-compete kay Jennylyn

Sunud-sunod ang trabaho ni Lovi Poe. Pagkatapos purihin ang akting niya bilang young Amparo sa teleseryeng Beauty Queen, kung saan isang beauty title-holder na ginahasa at nagalit sa mundo ang kanyang papel, magpapakitang gilas ulit si Lovi sa kanyang bagong teleserye, ang Little Star.

Role ni Gwyneth, isang sikat na singing superstar pero dahil sa kanyang dominanteng ina, at sa pressure ng showbusiness, hindi magiging maligaya si Gwyneth at kakainin siya ng sistema. Magiging ambisyosa si Gwyneth at gagawin niya ang lahat para makuha ang gusto. Pero magkakaroon ito ng lihim na makakasira sa kanya. Hmmm, paano niya malulusutan ang mga pagsubok niya sa buhay?

Ngayong araw magsisimula ang Little Star kung saan magtatagisan ng galing sina Jennylyn Mercado at Mark Anthony Fernandez.

“Isa si Jennylyn sa mga hinahangaan kong artista at naging mabait siya sa akin noong baguhan ako, kaya malaki ang respeto ko sa kanya,” sabi ni Lovi.

Magkakaroon ba ng patalbugan between Lovi at Jennylyn?

“Wala talaga dahil magkaibigan kami at malaki nga ang naitulong niya sa akin,” sabi pa ni Lovi.

At in fairness, maganda rin ang ipinakitang akting ni Lovi sa White House ng Regal Films na balitang pinipilahan pa sa mga sinehan hanggang ngayon.

Show comments