John Lloyd naipit lang kaya nagsalita

Naguguluhan ako rito kina Bossing Vic Sotto at Pia Gua­nio. ’Di ko alam kung ano ang paniniwalaan ko, na hiwalay na sila o kasal na ba? Si Fran­cis Maga­lona pa raw ang naging photo­grapher sa kanilang kasal nun, ganun nga ba?

Wala namang gustong magsalita sa ka­nila. Pareho gustong kimkimin ang katotohanan sa pagitan na lang nila. Pero sa totoo lang, lahat curious kung saan nag­kamali ang relasyon ng dalawa. Siguro matatagalan pa tayong maghuhulaan, kung dumating na ba sila sa hangganan at wala na silang pupuntahan pa o baka naman may pag-asa pa, baka naman gumagawa pa sila ng paraan para maisalba ang kanilang relasyon. Sana naman.

*    *    *

Kahit nakalulungkot na isa na namang pag­kakaibigan ang nagwakas between Ruffa Gutierrez and John Lloyd Cruz, mabuti na ring nangyari ito dahil baka hindi nila nalalaman pareho na naapektuhan na nila si Shaina Magdayao. And being the good girl that she is, nananahimik na lang ito.

Ayaw kong sisihin si Ruffa dahil siya ang tina­ta­wagan. At dahil mag­kaibigan pa rin naman sila ni Lloydie, sinasagot niya ito. Ang sinisisi ko ay si JLC, dahil hindi na niya dapat tinatawagan pa si Ruffa, dahil ex niya ito. Gaano man kaino­sente ang relasyon nila, masasaktan ang current girlfriend niya. Hindi niya ba ito alam? Akala ko pa naman intelihente siya. Kung siya ba ay nagsasalita bilang depensa sa ginagawa niya, sa publiko man o kay Shaina, he would have been vindicated.

Pero bakit ba nagsasalita lamang siya kapag grabe na ang sitwasyon? Kapag naiipit na lamang siya? Umayos ka nga John Lloyd!

Show comments