Jerry Yan in love na?

Matapos ang hit serye nito na Meteor Garden at Hotshot, muli na namang gumagawa ng ingay ang Asian superstar na si Jerry Yan dahil sa balitang handa na itong magmahal!

Pero bago mag-react ang kanyang fans, ang tinutukoy ni Jerry ay ang karakter niya bilang Elvin sa pinakaaabangang romantic comedy simula nga­yong Lunes (Oct. 25), ang Down with Love, 5:30 p.m. sa ABS-CBN.

Magtatambal dito sa unang pagkakataon ang King of Asia­novela at ang Charming Sweet­heart na si Ella Chen bilang Malou, na una nating minahal sa seryeng Hana Kimi.

Simula nang mamatay ang kapatid sa isang aksidente, si Elvin na ang tumata­yong ama sa kanyang naulilang mga pamangkin. Pero dahil isa siyang mahu­say na abo­gado, halos wala siyang oras na asikasuhin ang mga ito kaya na­man umaasa ito sa tulong ng isang maid.

Marami sana ang nag-apply ngunit la­hat ito ay hindi mai­wasang main-love sa kanya, kaya naman ang gu­wa­pong si Elvin, on the lookout para sa yayang hindi titibok ang puso sa kanya.

Dito papasok si Malou na mapipilitang magpanggap na les­biyana para lang magkaroon ng trabaho at mabayaran ang utang ng lumisang ama.

Pabor na sana ang sitwasyon para sa dalawa pero paano kapag ang bawal main-love ay nahulog na ang loob sa amo niya? Dala ng kanilang ma­la­aso’t pusang pakikitungo sa isa’t isa, si Elvin ay made-develop din pero paano niya haharapin ang ideya na naiin-love na siya sa isang tomboy?

Richard, Marian at Dingdong, bida sa Christmas advocacy plug ng GMA

Ngayong Pasko, bibigyang pugay ng GMA Network ang Puso ng Pilipino sa pamamagitan ng serye ng true-to-life inspiring stories.

Ang mga kuwento ay naglalarawan sa mga tunay na kara­na­san ng mga Pilipinong nakagawa ng kabutihan sa kapwa sa pa­ma­magitan ng mga sim­pleng bagay. Tinawag ang mga istor­yang ito bilang, Isang Pagkilala sa Puso ng Pilipino Ngayong Pasko. 

Tampok sa nasabing advo­ca­cy plug ang tatlo sa mga pina­kamalalaki at pina­kama­ningning na bituin ng Kapuso network: sina Marian Rivera, Ding­dong Dantes at Richard Gutierrez.

Si Richard ang gaganap sa papel ni Ed, isang immigrant sa US na na­ka­base sa Las Vegas, Nevada. Nananatiling Pili­pino ang puso ni Ed la­lo’t tu­wing da­rating ang panahon ng ka­­pas­­kuhan. Kasama ang kanyang asawa, nag­babalot siya ng mga laruan at school supplies upang ipadala sa mga bata sa Pilipinas.

Si Marian naman ang gaganap bilang si Mila. Tuwing Pas­ko, binu­buksan ni Mila ang kanyang tahanan para sa mga na­nga­nga­i­langan. Nagbebenta rin siya ng mga Christmas decor sa garahe ng kanyang bahay, at ang perang pinagka­kitaan ang ginagamit niya upang maba­hagian ng pagkain ang mahigit sa 200 pa­milya tuwing bisperas ng Bagong Taon.

Samantala, si Dingdong ang ga­ganap bilang si Jose, isang Sec­ret Santa na lumilibot sa mga ospital sa Metro Manila tuwing bisperas ng Pasko upang bigyang tulong pinansiyal ang mga pasyenteng salat sa buhay.

“These are real-life Santas,” paliwanag ni Director Paul Ticzon, nang tanungin siya tungkol sa kung ano ang natatangi sa nasabing plug matapos mag-direct sa maraming Christmas campaigns ng GMA.  

Unang ipapalabas ang mga Christmas vignettes ng GMA sa 24 Oras ngayong Lunes, October 25. Kinunan ang plug gamit ang high-definition (HD) digital video technology at nakatakda rin itong ipalabas sa SM Cinemas.

Tatlong direktor naka-tsika ni mader

Tatlong batikang direktor sa TV at pelikula ang tam­pok sa mag­ka­kahiwalay na interbyu ni Mader Ricky Reyes sa programang Life and Style with Ricky Reyes sa Q11, 10:00 to 11:00 a.m.

Pagdating sa talk, reality at variety prog­­ram ay nangunguna si Louie Igna­cio na nagdirek noon ng Sis, SOP, Are You The Next Big Star, Pinoy Idol, Star­struck at Celebrity Duets. Ngayo’y siya pa rin ang namamahala ng Mel and Joey at Love Ni Mister, Love ni Misis at iba pang special offering ng Kapuso network.

Nang ipalabas ang Tiyanak ng Regal Films noong 2007 ay umani ng pag­hanga si Mark Re­yes. Siya ang di­rek­tor ng TGIS na nagpa­sikat kina Bob­by An­drews, Ange­lu de Leon, Sun­shine Dizon, Ding­­dong Dan­tes, An­toinette Taus at Polo Ra­vales. Kahit nali­lin­ya siya ngayon sa mga fan­­taserye ay siya rin ang nasa likod ng Party Pilipi­nas.

Bida na sa takilya’y naging Best Movie pa ang Ang Panday ni Mac Ale­jandre. Top-rater din ang mga romantic teleseryeng ginawa niya tulad ng Stair­way to Heaven and The Last Prince at ang Endless Love.

Ilalahad ng tatlong sikat na direktor ang kanilang buhay before and after nag-join sila ng showbiz.  

Sa Great Hair Day ay bibigyan ng special Hallo­ween make-over ng Fil-Hair Coop officer na si Ping de Guzman ang modelong si Ericka Lagmay.

Viva Events may job fair

Ang Viva Events kasama ang Robinsons Place Manila sa pakikipagtulungan ng NU 107, Dream FM, Traba­ho.com, Teledevelopment, Social Security System, at MSD Godspeed ay magkakaroon ng dalawang araw na Angat Pinoy! A Viva Events Job Fair, gaganapin sa Ground Floor Sta. Monica Robin­sons Place Manila sa Oct. 27-28 mula 10 a.m. hang­gang 6 p.m. na pangu­ngunahan ng mga kumpanyang mag-aalok ng trabaho para sa mga ka­ba­taang pro­pes­yonal.

Maaaring makamit ang minimithing trabaho sa pa­­ma­­­magitan lamang ng mga sumusunod na kasa­ling kumpanya: Sykes Asia, NCO Group, Transna­tional Logistics Solutions Corporation, Teleperfor­mance, Job On-Link, Rock Solid Man­power, Work­sav­ers, Tele­de­velopment, Smart Com­mu­nications, Skilled and Talent Employment Pool, Inc., at Tra­ba­ho.com.

Maghanda sa on-the-spot interviews at exams, bukod dito ay magbibigay ang Social Security System (SSS) ng numero sa mga bagong miyembro o aplikante.

Kung interesado, maaaring isumite ang resumé sa viva_events@yahoo.com o mag-log sa www.vivaevent.net.ph.

Show comments