Jennylyn insecure kay Lovi!

Napaka-suwerte naman ng batang si Nicky Cas­tro, agad ay title role siya sa pinaka-bagong serye ng Kapuso network, ang Little Star. Ito ang kapalit ng Trudis Liit na naglunsad sa career ni Jillian Ward.

Sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes, ang Little Star ay kuwento ng singing child star na si Diego (Nicky) at kung paano niya naapek­tuhan ang mga taong nasa paligid niya kasa­ma na ang isa ring sikat na female singer at ang assistant nito, isang poto­grapo at isang opor­tunista.

Hindi dito ang unang pag­sasama nina Jen­nylyn Mer­cado at Lovi Poe. Nag­kasa­ma na sila before sa Kaputol ng Isang Awit kaya palagay na ang loob nila sa isa’t isa.

Kahit marami ang nang-iin­tri­ga sa dalawa at sina­sa­bing mas magaling na artista si Lovi dahil meron na siyang best actress award, hindi ito da­­hilan para ma-in­secure si Jennylyn. Masya­dong pa­­yapa at masaya ang kanyang buhay ngayon para pa­lungkutin lamang ng mga intriga.

Kasali rin sa Little Star sina Maricel Mo­rales at Rich Asuncion.

Mala-Julia Roberts naman ang role ni Rich. Runaway bride siya ni Mark Fernandez na nagsisikap na makuhang muli ang puso nito.

Samantala, hanggang ngayon ay naaasar pa rin siya dahil nakakaladkad ang kanyang pa­ngalan sa loveteam nina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Inamin niya na lumalabas sila dati ng aktor pero hindi silang dalawa lamang, marami sila. Never din daw naging sila.

Hanggang ngayon wala pa rin siyang boyfriend.

 “Wala talagang nanliligaw pero, okay lang ako. Baka talagang hindi ko pa kapalaran magkaroon ng karelasyon. Isa pa busy ako sa pag-aaral ko, bumalik ako sa iskuwela,” dagdag pa ng nanga­ngarap makapareha in the future si Dingdong Dantes.

*    *    *

Tatlong mga biktima ng kontrobersiya ang lalantad ngayong hapon sa Showbiz Central para linawin ang mga intrigang ikinakapit sa kanila. Una na si Sam Pinto na iniuugnay ngayon kay Dingdong Dantes. 

Sasagutin din ni Jennylyn Mercado ang mga intri­gang ibinabato sa kanya ngayon. Ganundin si Pia Guanio na hindi raw binati ni Bossing Vic Sotto nung kanyang kaarawan. Dahil ba wala na sila? 

*    *    *

Matapos itampok ang isyu ng teen preg­nancy, bibigyang diin naman ngayon ng Your Song Presents Andi ang isyu ng dysfunctional family sa pa­mamagitan ng paglahad ng isang kuwento ng isang babae (Andi ) na matatagpuan at ma­kikilala ang itinuturing niyang ‘perfect guy’ sa katauhan ni Jake Cuenca.

Show comments