Wala talagang dala wish ni Kris, lalaking magpapakasal sa kanya!

TRUE : Aminado si Kris Aquino na na-touch siya sa wedding ceremony nina Jenny Miller at ng non-showbiz groom nitong si Cupid Feril na ginanap sa Sanctuario de San Jose, Greenhills kamakalawa ng hapon.

Isa sa mga tumayong ninang si Kris at isa siya sa na-touch sa bridal march kung saan kinakantahan si Jenny ni Cupid ng You Are Beautiful in My Eyes.

Wish ni Kris na sana meron ding lalaking magpakasal sa kanya ng ganun at deretsahang nagpahayag na bigyan siya ng tatlong taon at mangyayari ito sa kanya.

Ilan pa sa mga tumayong ninong at ninang sa pag-iisang dibdib nina Jenny at Cupid sina Sen. Jinggoy Estrada, Mayor Herbert Bautista, Cong. Lani Mercado, Lolit Solis at Claudine Barretto.

TANONG : Totoong nagbatian nga ba sina Kris at Isabel Oli nang magkita sila sa kasal ni Jenny Miller?

Ang pagkakaalam namin, nilapitan ni Kris si Isabel at binati ito. Sinabihan lang daw ni Kris si Isabel na “naintriga pa tayo.” Nabigla raw si Isabel, dahil hindi niya akalaing lalapitan pa siya ni Kris at babatiin pa siya.

TOTOO KAYANG nagkaayos na sina Angelica Panganiban at Claudine?

Nang tinanong naman namin si Claudine tungkol dito, napakibit-balikat lang ito at sinabihan kaming mabuting si Raymart na lang ang tanungin.

“Sana magkaayos na nga,” matipid na sagot naman ni Raymart.

TSIKA LANG : Bukas na magsisimula ang Little Star na pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Mark Anthony Fernandez.

Sa presscon ng naturang drama series, muling nilinaw ni Jennylyn ang isyung tinanggihan siya ni Patrick dahil hindi pa ito handang magsama silang dalawa sa isang project.

Maayos daw nilang pinag-usapan ni Patrick na mabuting huwag muna dahil kung pareho silang nagtatrabaho, walang magbabantay sa anak nilang si Alex Jazz.

Mas gusto naman daw ni Jennylyn na magkaroon pa ng sapat na panahon si Patrick na makasama ang kanilang anak dahil parang hindi pa raw nagsi-sink in sa bagets na meron na siyang Daddy.

Si Paolo Contis ang ipinalit sa role na dapat ay para kay Patrick.

Show comments