Robin at Mariel busy sa shooting at honeymoon sa India

Mahigit dalawang buwan na mula nang maganap ang kontrobersiyal na pagpapakasal nina Mariel Rodriguez at Robin Padilla sa India. Ngayon ay muling nasa India ang mag-asawa para sa isang pelikula na kanilang ginagawa doon, kasabay na rin daw ng kanilang honeymoon.

Nagpadala si Mariel from India ng exclusive behind-the-scenes photos para sa SNN (Showbiz News Ngayon). Si Robin ay ang director, producer, at aktor para sa special project na ito kung saan ay si Mariel din ang kanyang kasama.

Tinatayang sa first o second week ang balik ng mag-asawa sa Pilipinas.

Dito na nila kukunan ang ilan pang mahahalagang eksena para sa pelikula na kanilang ginagawa. Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments