^

PSN Showbiz

Mara Clara 26 weeks ipalalabas

- Veronica R. Samio -

Sa panahong ito na tinatangkilik sa telebisyon ang mga remakes ng mga te­lenovela na gawa sa ibang bansa, naisip ng ABS-CBN na gawing muli o i-remake ang itinuturing na the Mother of All Teleseryes, ang Mara Clara na nagsisilbing major core ng lahat ng drama plots. Magsisimula itong mapanood sa Oktubre 25 at kung ang orihinal na serye na nagtampok sa tambalan nina Judy Ann Santos at Gladys Reyes ay tumakbo ng limang taon sa ere, ang remake ay mapapanood lamang ng 26 na linggo at pangungunahan ng dalawang kabataang artis­tang babae na inaasahang lolobo rin ang mga career katulad ng mga sinusundan nilang artista, sina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Sa pamamatnugot ng mga direktor na sina Jerome Pobocan at Tots Sanchez Mariscal IV, ang bagong Mara Clara ay magiging matapat sa orihinal na istorya ng pagkakapalit ng dalawang sanggol na babae nung ka­nilang kapanganakan pero ang mga karakter nila ay updated na, isinunod sa makabagong panahon. Kung ang role ni Susan Africa dati bilang tunay na ina ni Clara ay may pagka-martir, ang character na gagampanan ngayon ni Mylene Dizon ay palaban na.

Si Clara naman sa lumang bersyon ay isang bobong babae na madalas mangopya, sa remake ay ginawa siyang matalino, nagtatangkang maging vale­dic­torian sa kanyang paaralan hanggang sa dumating si Mara na magbibigay sa kanya ng mahigpit na kumpetisyon.

Bagaman at wala nang roles sa remake sina Juday at Gladys, mapapanood sila sa mga teaser para sa bagong serye at nagkaroon ang dalawang bata ng pagkakataong makilala sila.

CLARA

GLADYS REYES

JEROME POBOCAN

JUDY ANN SANTOS

JULIA MONTES

KATHRYN BERNARDO

MARA CLARA

MOTHER OF ALL TELESERYES

MYLENE DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with