Lumalala ang isyu kina direk Wenn Deramas at Jobert Sucaldito at sa victory party ng box office success ng Petrang Kabayo, tinanggap ni direk Wenn ang hamon ni Jobert na sila’y magsuntukan at game siya kahit saan.
“Matagal na akong walang praktis, sa ABS-CBN man o sa labas, walang urungan. Wala akong ginagawang masama sa kanya. Siya, sinasabing flop ang Petrang Kabayo,” sabi ni direk Wenn.
Agree si direk Wenn kay Jobert na kailangan na nilang magsuntukan, pero ‘di niya alam kung bakit ito galit sa kanya dahil hindi sila formally introduced at wala silang project na pinagsamahan. Naalala nitong nang makita niya si Jobert sa birthday ni Pokwang, binangga niya ito, pero hindi raw kumibo.
Hintayin natin ang sagot ni Jobert sa pahayag na ito ni direk Wenn na busy pa rin sa sunud-sunod na movie and TV projects. Tinatapos niya ang Tanging Ina 3 na entry ng Star Cinema sa 2010 MMFF at ang Galema, Anak ni Zuma ng ABS-CBN ni Andi Eigenmann na sisimulan niya ang taping kundi last week ng November ay first week ng December.
Sa victory party pa rin ng Petrang Kabayo, napangiti si Luis Manzano sa binanggit ni Alfie Lorenzo na lahat ng pelikulang kasama siya’y kumikita. Ang launching movie ni Vice Ganda ay lampas na raw sa P100 million ang kinita.
Ibinalita ni Luis na schedule na lang ng Kanto Boys ang hinihintay ng Star Cinema para simulan ang movie nila, kaso pare-pareho silang busy ng mga kasama sa grupo.
Tungkol sa isyu sa kanila ni Mariel Rodriguez, inamin nitong may tampo siya rito, minor, pero personal at puwedeng maayos ‘pag nagkausap sila, kaya ayaw niyang palakihin.