Butas sa mukha ni Rico Blanco, 'di maitago ng make-up

SEEN: Dasal para sa talent manager na si Wyngard Tracy ang hiling ng kanyang mga talent at kapwa talent manager. Na-stroke si Wyngard noong Miyerkules at nagkaroon siya ng blood clot sa ulo. Si Wyngard ang manager nina Richard Gomez, Lucy Torres at John Estrada.

SCENE : Tinanong ni Rufa Mae Quinto si Gwen Zamora kung Stefani ang apelyido nito. Hindi kilala ni Rufa Mae si Gwen Stefani na isang sikat na foreign singer. Hindi rin niya kilala si Gwen Zamora na bagong kasama niya sa Bubble Gang.

Seen : Si Manny Pacquiao ang bestman sa kasal ng kanyang Canadian adviser na si Michael Koncz sa Baguio City noong Martes. Si Michael ang naka-engkuwentro noon ni Phillip Salvador ngunit hindi masyadong lumaki ang balita.

Scene : Ang ABS-CBN ang producer ng TV remake ng Bata Pa Si Sabel, ang launching movie ni Snooky Serna sa Regal Films noong 1981.

Seen : Ang Little Star ang papalit sa timeslot ng Trudis Liit na magwawakas ngayon. Mga bida sa Little Star sina Jennylyn Mercado, Lovi Poe, Sarah Lahbati at Mark Anthony Fernandez.

Scene : Mapapanood sa GMA 7 sa 2nd quarter ng 2011 ang TV remake ng Andres De Saya, ang sitcom ni Cesar Montano.

Seen : Hindi maitago ng makapal na make-up ang pockmarks sa mukha ni Rico Blanco na kitang-kita sa mga eksena niya sa Imortal.

Scene : Ang report ng Bandila noong Miyerkules na tatlong bayan na na-isolate ng bagyong Juan sa ISABLEA.

Seen : Sina Solenn Heussaff at Michelle Madrigal sa screen test para sa mga magiging leading lady ni Richard Gutierrez sa Captain Barbell.

Show comments