Wala pang proposal na nagaganap between Heart Evangelista and Daniel Matsunaga. Hindi pa nila napag-uusapan ang kasal. Masaya sila na ini-enjoy ang kanilang relasyon. Kagagaling lang nila ng bansang Hapon.
Ipinagdarasal niya na sana sila na nga ang magkatuluyan ni Daniel pero siyempre tanggap niya na walang kasiguruhan ang buhay kaya ini-enjoy nila ang panahong magkasama sila.
Kabaklaan ni KeEmpee walang masama
Bakit nga naman tatanggi si Keempee de Leon sa mga gay roles kung ito ang offer na dumarating sa kanya? Wala naman siyang kuwestiyon sa kanyang kasarian at hindi man open ang kanyang lovelife, hindi naman niya itinatago ang pagkakaroon niya ng isang anak na magti-teenager na. Ang kinabukasan nito ang pinaghahandaan ng anak ni Joey de Leon.
Si Dolphy nga tumanda na sa pagpo-portray ng gay sa marami niyang pelikula pero never pinagdudahan ang kanyang pagkatao. And, what’s wrong with being gay? Ang masama lang ay ’yung straight ka nga pero pabigat naman sa buhay ng mga taong nakapaligid sa iyo at sa sosyedad. Maraming gays ang matagumpay sa buhay at malaking tulong sa mga kapwa nila.
Bagyo feel na feel dahil sa TV
Matagal na tayong nakakaranas ng bagyo pero parang ngayon lang tayo nakakita ng isang bagyo na up close and personal. Nakita natin kung paano hinagupit ni Juan ang mga probinsiyang dinaanan niya tulad ng Cagayan at Pangasinan. Ngayon lang natin napagmasdan ng malapitan sa ating TV screen kung paano pinaghandaan ng lahat ang pagdating niya. Kung may mga nagbuwis man ng buhay at bahay, hindi kasing-laki ng bilang ng mga naibuwis natin nung mga nagdaang bagyo.