MANILA, Philippines - Si Vic del Rosario, o Boss Vic kung tawagin sa entertainment circle, ay mas pinalawak pa ang opisina sa paglalagay ng Viva Events. Nakakita siya ng business partner sa katauhan ng stage director na si Roxanne A. Lapus bilang general manager.
Ang Viva Events ay nasa ilalim ng Viva Communications at ito ang humahawak ng lahat ng mga corporate functions at iba pang show activities.
Sa loob ng limang taon, ang kanilang winning tandem ang isa sa mga nakapagpabuhay ng OPM classics sa eksena dahil sa mga orihinal na konseptong ginagamit sa bawat konsiyerto na ang mga bida ay Filipino artists.
At ngayon sa Viva Events, busy naman sina Boss Vic at Direk Roxanne sa business circle para sa mga product launches, iba’t ibang celebrations, at kung anu-anong promotions. Isang one-stop events shop ang Viva Events dahil sa eksperto ang business partners sa larangan ng entertainment at makikinabang ang mga kliyente sa maaaring maitulong ng Viva Artist Agency, Viva Records, Viva Films, at Viva Concerts na mga hawak din ni Boss Vic.