Ian consistent, sa kapwa lalaki nali-link

Parang hindi pa sapat ang naging intriga kay Ian Ba­therson nang i-link siya sa kanyang co-cast­away sa Survivor Phi­lippine Celebrity Showdown na si Ahron Vil­lena. Muli ay nilalagyan ng kulay ang friend­ship nila ni Mico Aytona na sa epi­­sode ng nasabing reality contest ay na-evict na rin.

Binibigyan ng malisya ang patuloy na pag­ki­kita ng dalawa kahit ngayong nakaalis na sila ng Thai­land at nabalikan na ang normal nilang buhay sa Pilipi­nas habang hinihintay na matapos ang mga episodes na ginawa nila sa Thailand para sa mga huling episodes leading to the final leg of the search na live na mapapanood naman.

Mabuti na lamang at sigurado sa kanyang ka­sa­rian si Ian kundi ay ma-apektuhan ito ng mga hin­di magagandang sinasabi tungkol sa kanya. Mas malaki ang pressure sa kanya dahil siya ang kinuku­westiyon ang kasarian at hindi sina Ahron at Mico.

* * *

Magandang promo sa nalalapit na pagpapa­reha nina Solenn at Richard Gutierrez sa Cap­tain Bar­bell ang madalas na pagli-link sa kanilang mga pa­nga­lan. Mukha namang tanggap ng publiko ang pag­papareha sa kanila dahil wala namang tu­mutol sa pa­kikipag-break ni Richard kay Jewel Mische.

Katunayan, parang mas marami ang excited sa kahahantungan ng kanilang friendship na nag­simula sa Survivor. At kahit gaano pa nila i-deny ang guma­gan­da nilang samahan, obvious kung saan sila pa­puntang dalawa.

* * *

Ano, sina Bossing Vic Sotto at Pia, matagal nang kasado? Eh, bakit may nakaamba pang hi­wa­layan sa pagitan nila? Ano ba talaga ang totoo, kasal ba sila o hindi? Maghihiwalay ba sila o hindi?

Aba kung kasal na sila, mahihirapan na silang maghi­walay? Okay lang kung BF, GF lang sila pero kung married, nakoww, mahabang proseso ang pagdadaanan nila.

Pero kung titingnan ko naman sila sa Eat Bulaga, wala naman akong nakikitang pala­tan­daan na may hindi magan­dang nangyayari sa ka­nila, kahit magkasama sila sa isang ek­sena o frame, walang animo­sity akong nakikita sa kanila. Akala ko talaga nagbalikan na sila. Yun pala, hindi pa?

Well, ganyan talaga ang buhay. Sana nga hindi pa sila tali, para kung gusto nilang maghiwalay, ‘di na sila ma­hihirapan.

Show comments