Isang bongga at kakaibang birthday celebration ang nakatakdang ganapin sa Oct. 28 (Huwebes) sa ika-58 na kaarawan ng feisty talent manager, misis ni Eddie Gutierrez, at ina nina Ruffa, Rocky, Elvis, Richard, Raymond, at Ritchie Paul Gutierrez na si Annabelle Rama sa ballroom ng Crowne Plaza Hotel na pinamagatang Shine On : The Birthday Celebration na ididirek ng kilala at mahusay na event director na si Robbie Carmona.
Ang totoong birthday ni Annabelle ay Oct. 31 (ka-birthday niya si Christopher de Leon) pero parati niyang ina-advance ang kanyang celebration.
Alam mo, Salve A., nakakatuwa ang mag-iinang Annabelle, Ruffa, at Raymond dahil magkakaiba talaga sila ng ideas at suhestiyon kaya natatawa na lamang si Robbie na nakikinig lang habang nagtatalo ang mag-iina. Ang program, set, color motif, at theme ay ipinakita na ng grupo ni Robbie kay Annabelle at na-impress ito.
Fashion/musical show ang magiging tema at ang magiging highlight na tatampukan ng mga talents ng Royal Era Entertainment.’
Kasabay ng celebration ni Annabelle ay ang paglu-launch ng coffee table book na REE.
Sa rami (30 silang lahat) ng mga talents sa kuwadra ni Annabelle ay madalas niyang makalimutan ang pangalan ng iba kaya minabuti niyang maglabas ng libro na tatampukan ng kanyang mga talents na ang pinakabago at pang-30 ay ang Concert Queen na si Pops Fernandez.
Unfortunately, hindi makakasama si Pops sa selebrasyon dahil nasa Amerika ito para sa series of concerts ni Sharon Cuneta kung saan special guest performer siya.
In one of the segments, sabay na lalabas sina Eddie at Pilita Corrales, mga magulang ni Ramon Christopher. Very close sina Annabelle at Pilita at imina-manage na ngayon ni Bisaya ang mag-ina.
“Natataon palagi na meron akong show sa abroad tuwing birthday ni Tita Annabelle,” pahayag ni Pops.
Base sa kanilang napagkasunduan, si Annabelle na ang mamamahala ng TV and movie career ni Pops at si Joji Dingcong naman ang magha-handle sa mga shows and concerts ng mommy nina Robin at Ram Nievera.
Kahit production meeting pa lamang ang naganap sa Toke restaurant, nakikini-kinita na namin kung gaano ka-bongga ang darating na birthday celebration ni Annabelle kung saan special guest performers pa sina Ogie Alcasid at Lovi Poe.
Samantala, tinanong namin ang tungkol kina Richard at Solenn Heussaff at agad nagsabi si Annabelle na magkaibigan lamang ang dalawa. Sa bagay na ito ay naniniwala kami kay Bisaya dahil hindi ito marunong magsinungaling.
Still on Annabelle, sa dalawang magkahiwalay at magkasunod na presscon na aming dinaluhan, ang Beauty Queen ng GMA 7 at My Driver, Sweet Lover ng TV5, pawang mga alaga nito ang nasa cast.
* * *
Kahit bago pa lamang ang relasyon ng dalawa, dinala na ni Daniel Matsunaga si Heart Evangelista sa Osaka, Japan para ipasyal doon although sa Brazil siya ipinanganak at lumaki. Bakit kaya hindi sa Brazil dinala ni Daniel si Heart? Kasama ng dalawa sa pamamasyal sa Japan ang kapatid ni Daniel.
Kung namasyal sa Japan sina Heart at Daniel, sa Amerika naman nagbakasyon ang magkasintahang Michelle Madrigal at Jon Hall.