Sana dumaan na si Juan nang walang pinipinsalang buhay o kabuhayan natin. Can’t afford tayong magbuwis ng kahit ano ngayon dahil hindi pa naman tayo tuluyang nakakaahon sa mga dinanas natin isang taong makaraan ang mga mapaminsalang Ondoy at Pepeng.
Pero bilib na bilib ako sa paghahanda na ginagawa ng lahat, lalo na ng pamahalaan, para maging ligtas tayo sa super typhoon na si Juan. Sa kahandaan natin, mukhang natakot si Juan na pumasok ng Kamaynilaan kaya dumaan na lang ito. Pero ganito naman talaga ang nangyayari kapag handa tayo. Napipinsala lamang tayo kapag nagpapabaya at tutulug-tulog tayo.
Kaya ipagpatuloy natin ang ganitong paghahanda. Let the government do its job in protecting its people. Mahirap man ang buhay ay hindi natin mararamdaman kung ganitong tulung-tulong tayo. Ang ganda ng pakiramdam kung alam mong may nagmamalasakit sa iyo at may handang magtanggol at sumaklolo sa oras ng peligro. Dahil dito, binabati ko si P-Noy.
* * *
It was my frist time na makapanood ng isang napakalungkot na pagtatapos ng isang serye. Nataon pa sa seryeng Endless Love na nakita kong iniiyakan ng mga maid of honor ko. Na-curious ako, lalo’t ang eksena ay ‘yung dying scene ni Marian Rivera na iniyakan ng labis ni Dingdong Dantes kaya nagsama na ang luha at sipon niya sa pagdadalamhati. I thought it was the best scene na nakita kong ginampanan ni Dingdong. Hindi pa OA. But if I thought Dingdong was good in that scene, Dennis Trillo was equally good, if not better, sa kanyang pagdadalamhati sa pagpanaw ng character ni Marian. Ang galing niyang umiyak, walang ka-effort effort. I still maintain na si Dennis pa rin ang pinaka-magaling na aktor sa Kapuso network.
Ayaw ko lang ng ending, walang sense na magpakamatay ang character ni Dingdong para lamang magkasama sila sa kamatayan ng character ni Marian. Feeling ko napaka-senseless, pero it was a Korean novela at hindi Pinoy at ang mga Koreano, hindi mahilig sa happy ending. ‘Yun din naman ang naging ending sa original series. Mas madrama lang ‘yung ending natin.
Anyways, congrats kina Dingdong, Dennis at Marian for a job well done.
* * *
Ewan ko lang kung bakit sa fans nina Gerald Anderson at Kim Chiu ibibigay ang kredito kung sakali mang mag-hit ang pelikula nilang Till My Heartaches End. Eh open ang ibang mga fans nila sa pagsasabing hindi nila ito susuportahan dahil sa galit nila sa aktor. Kapag nag-hit ito, ibig sabihin pinanood ito ng general moviegoing public dahil sa interes na nakuha ng pelikula sa madramang performance ng mga stars nito outside of the film.
At baka maganda rin ang kinalabasan ng movie, believable kahit pa ang dalawang major stars nito ay hiwalay na. At panonoorin din ito siguro dahil last movie na ito na magkasama nina Kim at Gerald.
Maraming dahilan kung bakit maghi-hit ang pelikula pero siguro hindi lang dahil suportado ito ng mga fans nila!