Matabang-mataba na, Sunshine Dizon apat na buwan nang buntis

Seen : Ang Koreanovela na He’s Beautiful, ang Simply KC ni KC Concepcion, ang Rosalka ni Empress Schuck at ang Idol ni Sarah Geronimo ang mga show ng ABS-CBN na magwawakas sa linggong ito.

Scene : Hindi pa gaanong hinog si Bianca Manalo upang magbida sa Juanita Banana ng ABS-CBN. Si Bianca ang 2009 Bb. Pilipinas-Universe na may anggulo na kamukha ni Keanna Reeves.

Seen : Four months pregnant si Sunshine Dizon. Matabang-mataba na si Sunshine dahil sa kanyang pagbubuntis.

Scene : Inaasahan na iiyak din si Kim Chiu sa mga TV promo  ng Till My Heartaches End. Hindi magpapatalo si Kim kay Gerald Anderson.

Seen : Ang statement ni Gerald Anderson na hindi siya naniniwala na fans nila ni Kim Chiu ang nagpapadala sa kanya ng mga pagbabanta. Kumambyo si Gerald dahil na-offend ang Kimerald fans sa mga sinabi nila ni Kim sa presscon ng kanilang pelikula.

Scene : Ngayong gabi ang red carpet premiere ng White House sa Cinema 7 ng SM Megamall. Ang White House ang comeback movie ni Gabby Con­cep­cion sa Regal Films.

Seen : Fully-made up si AiAi delas Alas sa presscon kahapon ng Akin ang Tronong ‘To, ang kanyang concert sa Araneta Coliseum sa November 19. 

Scene : Tinakpan ng kumot si Patrick dela Rosa upang hindi siya makunan ng litrato ng mga photographer at TV crew na nagpunta sa Station 7 ng Quezon City Police District. Inakusahan si Patrick ng rape ng isang 20-year old student.

Show comments