MANILA, Philippines - Tahimik na namumuhay ang mga Bangon, isang tribong Mangyan na ngayon ay matatagpuan sa bulubundukin ng Mindoro.
Ngunit habang ang mga taga-kapatagan ay patuloy na umaakyat sa mga bulubundukin para maghanap ng pagkakakitaan at matitirahan, unti-unting nasisira ang tirahan ng mga Bangon. Naaapektuhan din ang kanilang pamumuhay at mga tradisyon dahil sa napipilitan na silang tanggapin ang mga makabagong impluwensiya.
Hindi ito madali para sa mga Bangon. Karamihan sa kanila ay mas gusto na mapanatili ang kanilang tradisyonal na pamumuhay at ito ang nagiging dahilan para apihin sila o ma-discriminate ng mga taga-kapatagan. Ang iba, dahil sa ayaw mapag-initan, napipilitang talikuran ang kanilang makulay na kultura. Habang ang mga natitira na gustong mapanatili ang kanilang mga tradisyon ay lumilikas sa mas liblib na bahagi ng kabundukan.
Hahanapin ni Kara David ang mailap na tribong ito sa I-Witness ngayong Lunes, pagkatapos ng Saksi, sa GMA 7.