^

PSN Showbiz

Mailap na mangyan hahanapin ni Kara

-

MANILA, Philippines - Tahimik na namumuhay ang mga Bangon, isang tribong Mangyan na ngayon ay matatagpuan sa bulu­bundukin ng Mindoro.

Ngunit habang ang mga taga-kapatagan ay patuloy na umaakyat sa mga bulubundukin para mag­hanap ng pagkakakitaan at matitirahan, unti-unting nasi­­sira ang tirahan ng mga Bangon. Naaapektuhan din ang kanilang pamumuhay at mga tradisyon dahil sa napi­pilitan na silang tanggapin ang mga makabagong impluwensiya.

Hindi ito madali para sa mga Bangon. Karamihan sa kanila ay mas gusto na mapanatili ang kanilang tradisyonal na pamumuhay at ito ang nagiging dahilan para apihin sila o ma-discriminate ng mga taga-kapa­tagan. Ang iba, dahil sa ayaw mapag-initan, napipilitang talikuran ang kanilang makulay na kultura. Habang ang mga natitira na gustong mapanatili ang kanilang mga tradisyon ay lumilikas sa mas liblib na bahagi ng ka­bun­dukan.

Hahanapin ni Kara David ang mailap na tribong ito sa I-Witness ngayong Lunes, pagkatapos ng Saksi, sa GMA 7.

BANGON

HABANG

HAHANAPIN

I-WITNESS

KARA DAVID

KARAMIHAN

MANGYAN

MINDORO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with