MANILA, Philippines - Pumapatol na raw kung kani-kanino ang isang aktres.
Pero madalas nitong suki, pulitikong may-asawa. Parang matindi ang pangangailangan ng aktres na ito samantalang wala namang binubuhay.
Nakita na naman ito ng isang source sa airport na may kasamang pulitiko.
Wala na munang clue dahil takot ang source na nagkuwento.
* * *
Sumipa ng malakas sa takilya ang Petrang Kabayo. Tuwang-tuwa si Mr. Vic del Rosario sa naging resulta ng pelikula ni Vice Ganda. Nag-expect sila na kikita, pero hindi niya inasahang papatok ito ng bongga at kikita ng mahigit P15 milyon sa unang araw nang pagpapalabas.
Sana lang ngayong kumita ang pelikula, mas maging humble si Vice at hindi niya pairalin ang kayabangan kahit aminado siyang ganun ang ugali niya.
Malaki rin ang dapat ipagpasalamat niya kay Boss Vic dahil sinugalan siya ng launching movie.
* * *
Sa Nov. 5, 2010 pa uupo sa puwesto ang bagong chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na si Ms. Grace Poe-Llamanzares.
Gusto muna nitong maging maayos ang transition period.
Sinasala ring maigi ang mga uupong board members.
* * *
Dinumog ng mga Pinoy sa Hong Kong si Sarah Geronimo last weekend. Yup, nagkaroon siya ng solo concert doon.
Matagal-tagal na rin nang huling mag-concert ang Pop Princess sa nasabing bansa.
Anyway, para mas malaman ang mga nangyayari kay Sarah, meron siyang Pop Star Diaries na mapapanood sa PBO every Saturday, 9:00 p.m. at may encore every Monday, 3:00 p.m., Wednesdays and Fridays 9:00 p.m.
Ito ang on-air diary ni Sarah at nasasabi niya rito ang mga hindi niya madalas ikuwento tungkol sa kanyang buhay-buhay — sa career, endorsements, movies, concerts, mall tours, at kung anik-anik pa.
Lovelife kaya?
Ang PBO ay nasa Destiny cable, Channel 26, CableLink Channel 38, Telmarc Channel 36, and Cignal Digital TV Channel; 39.