^

PSN Showbiz

Mader Ricky naki-bonding kina Jackie at Rhian

-

MANILA, Philippines - Bonggang-bongga ang puntos sa mga program survey ng Kapuso tele­ser­yeng Ilumina at marami ang nakikiusap via e-mail na ma-fea­ture sana ang mga bida ritong sina Rhian Ramos at Jackie Rice sa pang-Linggong QTV-11 program na Life and Style with Gandang Ricky Reyes.

”Sabi, the customer is always right. Kaya sinadya ko ang location ng Ilumina para mainterbyu ko sina Jackie at Rhian bilang pagpa­pa­unlak sa mga nanonood ng programa natin. Nag-enjoy nga ako dahil pareho silang masarap kausap at sweet,” sey ni Mader Ricky.

Ang titulo ng segment ay Bonding Time with Rhian and Jackie. Tatalakayin ’di lang ang kani-kanilang papel sa teleserye kundi pati na mga pinag-uusapang isyu sa dalawang aktres tungkol sa pamilya, pag-ibig, atbp. Tutuklasin din ang beauty secret at beauty regimen ng super-byuting duo. 

Magbibigay ng tip sa acting at fashion si Rhian. Ikukuwento naman ni Jackie kung bakit ang tawag sa kanya ng GMA Artist Center ay “late-bloomer” dahil natagalan bago siya naging seryoso sa karir.

Teka, aaminin din ba nila kung sino ang dyowa o madalas maka­sama sa gimikan ngayon?

ARTIST CENTER

BONDING TIME

GANDANG RICKY REYES

ILUMINA

JACKIE RICE

LIFE AND STYLE

MADER RICKY

RHIAN

RHIAN AND JACKIE

RHIAN RAMOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with