Isang bombero susubukang iuwi ang 1M dolyar

MANILA, Philippines - Ang isang law clerk ng Oklahoma, USA na si Matt Marr ay umaasang mananalo ng malaking premyo sa Minute to Win It para makabili ng bagong bahay para sa kanya at sa kanyang alagang Miniature Schnauzer, na nagngangalang Sophie Louise. Pero susubukan muna kung malalampasan niya ang Triple Pong Plop challenge.

Pagkatapos niya, ang L.A. fire fighter naman na si Cedrick Cleveland ay sasalang sa Fish Head challenge kung saan kailangan niyang mailagay ang isang lampshade sa ulo niya gamit ang isang fishing rod habang nakapiring o blindfolded.

Ang popular TV chef na si Guy Fieri ang host ng Minute to Win kung saan mapapanood ang mga Amerikanong nangangarap na manalo ng million dollars kung malalampasan nila ang sampung challenges sa loob ng isang minuto.

Ang programa ay ini-ere tuwing Lunes ng gabi, 7:00 p.m. Ang Minute To Win It ay ine-ere every Monday   exclusively sa SOLARtv. Meron din itong weekend telecast every Saturday, 6:30 p.m.

Show comments