Matapos lumayas si Maria Ressa, Korina makakabalik na sa ABS-CBN

Pormal na itu-turn over ni ex MTRCB chairman Consoliza Laguardia ang posisyon sa newly appointed chairman - Ms. Grace Poe Llamanzares ng nasabing ahensiya na paparating na ng bansa.

Nasa bakasyon ang mag-inang Grace at Ms. Susan Roces nang i-announce ng Malacañang ang appoinment ni Ms. Grace bilang kapalit ni Laguardia.

* * *

Hindi kinagat ang gimik ng isang aktor-aktoran.

Ang etching niya, nanliligaw siya sa isang aktres at mahal niya ito. Pero ang siste, marami nang nakakaalam na magsyota na sila ng nasabing aktres at maraming beses na silang nakitang magka-date.

Kung sabagay wala naman kasing mawawala sa aktor-aktoran na ito, pero sa aktres meron, marami. Bata pa ito at malaki ang future sa showbiz kung hindi agad siya makikipag-relasyon sa isang may anak na.

* * *

Lumilinaw na raw ang kapalaran ni Korina Sanchez na makabalik sa ABS-CBN. Ito ay matapos na hindi mag-renew ng contract si Ms. Maria Ressa sa News and Current Affairs ng Dos.

Ang connection : ayon sa source, ang pakiramdam daw nila ay pini-personal ng dating bossing ng News and Current affairs si Korina dahil ito lang ang bukod tanging nagkaroon ng issue sa pagbalik.

Matagal nang tapos ang election kung saan tumakbong bise presidente ng ban­sa ang asawa ni Korina na si Mar Roxas, ‘di pinalad, pero hindi pa siya naka­kabalik sa dating trabaho sa ABS-CBN.

Speaking of Ms. Maria, ‘wag daw tayong masa-shock kung magiging consultant ito ng TV5.

Kuwento ng isang source, matagal na raw may-offer kay Ms. Maria si Mr. Manny Pangilinan na may-ari ng TV5 ngayon. Corporate job daw ang ino-offer sa dating bossing ng News Department ng Dos. Eh siyempre raw once na ma-in siya sa kumpanya ni Mr. Pangilinan, magiging automatic na ‘yun kahit na nakalagay sa kontrata niya sa Dos na hindi siya puwedeng magtrabaho sa direktang kakumpetensiya nang inalisan niyang kumpanya.

Whatever, wait na lang natin kung magkakatotoo ito.

Show comments