Nabalitaan ko agad ang pag-iyak ni Gerald Anderson sa presscon ng pelikula nila ni Kim Chiu.
Mamang-mama ang hitsura ni Gerald pero na-prove kahapon na bagets na bagets pa siya dahil sa kanyang pag-iyak.
Napa-cry me a river si Gerald dahil sa mga banta ng mga fans ni Kim na bubuhusan siya ng asido with matching death threats.
Ganyan katindi ang mga tagahanga ni Kim na hindi matanggap na may ibang babae na nali-link kay Gerald.
Hindi na bago ang mga balita tungkol sa overacting na pagseselos ng mga fans. Mas matindi ang drama noong kapanahunan nina Nora Aunor at Vilma Santos. Literal na nagsasabunutan ang kanilang mga tagahanga.
At least, lumikha agad ng ingay ang pelikula na ipino-promote nina Kim at Gerald dahil sa pag-iyak ng young actor.
Walang nakakaalam na may pelikula ang Star Cinema na Till My Heartaches End ang pamagat. Kung hindi pa nagkaroon ng presscon kahapon at kung hindi pa umiyak si Gerald, clueless ang mga tao na may ganoong pelikula na ipalalabas na sa mga sinehan sa Oct. 27.
Nova Villa naglalagare araw-araw
Ang suwerte-suwerte naman ni Nova Villa dahil naglalagare siya sa dalawang teleserye. Napapanood si Mama Nova sa Kokey@Ako at kasali rin siya sa cast ng My Driver Sweet Lover ng TV5.
Tuwing Lunes hanggang Biyernes ang Kokey@Ako at ganoon din ang My Driver Sweet Lover. Harinawang hindi magkasabay ang timeslot ng dalawang show or else, magkakaroon ng problema si Mama Nova. Baka papiliin siya ng management ng ABS-CBN at TV5!
Direk Chito nahirapan sa special effects
Naniniwala ako sa sinabi ni Chito Roño na nahirapan siya sa taping ng pilot week ng Imortal dahil sa rami ng mga special effects.
Mabusisi na direktor si Chito. Knowing him, binusisi niya ng husto ang mga eksena ng Imortal kaya parang pelikula ang mga eksena, ito ang description ng mga sumusubaybay sa teleserye nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz.
Lovelife ni P-Noy tatalbugan ni Kris
All over the papers ang mga balita tungkol sa lovelife ni P-Noy. Ayaw ni Kris Aquino ng ganyan.
Maghintay-hintay tayo ng ilang araw dahil siguradong tungkol naman sa lovelife ni Kris ang ating mababasa sa mga diyaryo at mapapanood sa TV. Papayag ba si Kris na matalbugan ng kanyang kapatid? Of course not!
Iza ’di na uulitin ang pagsusuot ng swimsuit
First and last time na magsusuot si Iza Calzado ng two-piece swimsuit sa Beauty Queen.
Ang pagpayag niya na magpaseksi sa kanyang bagong teleserye ang panggulat ni Iza. Kung talagang hindi na mauulit ang pagsusuot niya ng two-piece swimsuit sa TV, may dahilan talaga ang mga mhin para abangan ang TV series ni Iza sa GMA 7 na magsisimula sa Lunes.