^

PSN Showbiz

Andi nakikipagtalbugan sa ina

- Veronica R. Samio -

Isang bagong bihis na Your Song ang inihandog ng ABS-CBN kahapon. Mula sa dating mga naka­kakilig na mini-series, binigyan nito ng pagka­kataong makapagpakitang-gilas ang bagong Heiress of Drama na si Andi Eigenmann.

Sa katatapos lamang na teleseryeng Agua Ben­dita, ginampanan ni Andi ang dual role bilang kambal na sina Agua at Bendita. Ang serye ring ito ang nag­patunay na hindi lamang siya basta anak ng batikang aktres na si Jaclyn Jose. Napatunayan niyang kaya niyang lumikha ng sariling marka sa showbiz. Tulad din ng kanyang kapatid na si Sid Lucero.

Matatandaang unang nagsama sa Prin­sesa ng Banyera ang mag-ina, ngunit sa pag­kakataong ito, mas malalim na papel ang ka­nilang ginampanan.

“Masaya akong makasama ulit si mommy sa screen. The mother-daughter relationship here in the story is very different from how we really are off cam,” pag­kukuwento ni Andi sa pagsa­sama ulit nila ng kanyang mommy. 

Maliban kay Jaclyn, marami pang magagaling na aktor at aktres ang makakasama ni Andi sa Your Song sa mga susunod pa nitong epi­sodes.

*    *    *

Kilala sa pagganap bilang kon­trabida sa mga drama series, nga­yon ay kakaibang Ales­san­dra de Rossi ang natunghayan nung Sabado sa Wan­sapa­nataym. Tiyak na ikinagulat ng mga nakapanood ang pagbabago sa pag-arte ni Alex.

“I’m glad na binigyan ako ng ganitong chance para makita rin ng mga viewers ’yung kaya kong i-offer,” pahayag ng aktres na ang gumanap na leading man ay si Jake Cuenca.

*    *    *

Aba, gumaganda na ang istorya ng Idol na ma­papanood na sa bago nitong oras pagkatapos ng Kristine. Kung hindi man na-inspire si Sarah Geronimo sa napakahusay na performance ni Coco Martin to shed tears sa kanilang mga eksena, aba sa takbo ng istorya ngayon na magkakatulong sina Zsa Zsa Padilla, Malou de Guzman, at Robert Seña sa pagpa­pa­hirap sa buhay nilang mag-anak balde-balde nang luha ang tumutulo sa mga mata ng Pop Princess!

Sa patuloy na pag-ikot ng kuwento, maraming kaabang-abang na pagbabago ang magaganap sa mga bidang sina Billie (Sarah), Vince (Sam Milby), at Lando (Coco).

Walang tigil ang buong staff ng Idol para mapaganda ang takbo ng serye. Sulit naman ang mga pagsasakripisyo nila pati ng crew at mga artista ng serye sapagkat hindi natitinag ang mataas na ratings ng Idol. Ayon sa huling nationwide survey ng Kantar Media nung Sept. 28, nakalamang pa rin ang Idol laban sa katapat nito sa timeslot. Sayang at nailipat ito ng oras, sana pinatutunayan na nito ngayon na hindi sila kayang pataubin ng mga pa-cute ni stepsister Grazilda. Bumubuwelo lang sila at ngayon, hitsura ni Mara (Judy Ann Santos) sa gagawing pagbaha ng luha ni Billie? Ihanda n’yo na ang inyong mga balde!

AGUA BEN

ANDI

ANDI EIGENMANN

COCO MARTIN

JACLYN JOSE

JAKE CUENCA

JUDY ANN SANTOS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with