Personal ang motibo, pakikipagbati ni Vice Ganda pinagdududahan

Nakipagbati na si Vice Ganda sa aking friend, si MTRCB Chair Consoliza Laguardia. Ang tanong, sincere ba si Vice Ganda sa pakikipagbati dahil bukal sa kalooban niya o natakot siya dahil baka makaapekto sa Petrang Kabayo ang kanyang kanegahan?

Negang-nega si Vice Ganda nang tarayan niya si Mama Consoliza na walang kasalanan dahil ginagawa lamang nito ang mga obligasyon bilang pinuno ng MTRCB.

Imposibleng hindi naapektuhan si Vice Ganda sa mga negative feedback tungkol sa pang-aaway niya kay Mama Consoliza at sa kayabangan na kanyang ipinakita at ikina-turn off ng mga tao.

Dismayado kay Vice Ganda ang publiko dahil naturingan na Vice Ganda ang kanyang screen name pero hindi siya nagpakita ng magandang asal at respeto sa mga nakatatanda sa kanya.

Inisip ng mga tao na kung walang pelikula na ipalalabas si Vice Ganda, baka panindigan niya ang pang-aaway kay Mama Consoliza.

TV Crews Alerto: Presong Tumalon Nakunan

Maaga akong gumising kahapon dahil nagpunta ako sa Quezon City Justice Hall para sa hearing ng kaso ni Willie Revillame at ng ABS CBN.

Alas-otso pa lang, nasa Justice Hall na ako ng Quezon City kaya na-witness ko pa ang pagtalon ng isang lalake mula sa 4th floor ng building.

Naloka ako sa malakas na tunog ng pagbagsak ng biktima sa sementadong sahig. Nakita ko pa ang katawan niya habang nakahandusay at kikisay-kisay.

Napaka-alerto ng TV crew na kausap ko dahil kinunan agad nila ang insi­dente. Isinara ng mga guwardya ang mga pinto para makontrol ang pagpasok ng mga gustong makiusyoso.

Ikinaloka ko rin ang matagal na pagdating ng paramedics. Pero sa tagal nila, nakaligtas pa rin ang biktima.

Si Boss Vic del Rosario ang kasama ni Willie nang dumating ito sa korte. Hindi ko agad napansin si Boss Vic dahil seryoso ako sa pakikinig sa mga sinasabi ni Judge Luisito Cortez.

Hindi naibigay ni Judge Cortez ang Temporary Restraining Order na hinihingi ng ABS-CBN para hindi matuloy ang airing ng Willing Willie.

Pag-aaralan pa ni Judge Cortez ang kaso at makakapaglabas lamang siya ng desisyon after October 15.

October 29 ang date na unang sinabi ni Judge Cortez pero nakiusap ang mga lawyer ng ABS-CBN dahil urgent daw ang TRO na kanilang nire-request.

Tumagal din ng isang oras ang balitaktakan ng mga abogado ni Willie at ng mga abogado ng ABS-CBN.

Ang ending, pumasok sila sa chamber ng judge para mag-usap at nang lumabas sila, saka sinabi ng mga legal counsel ng ABS-CBN na malalaman ang desisyon ng judge pagkatapos ng October 15.

Ang sey ng ABS-CBN lawyer, wala silang magagawa kung magsimula sa petsa na mas maaga sa October 15 ang Willing Willie dahil wala pa ang TRO.

October 10 ang original telecast ng Willing Willie pero iniurong ito sa October 23.

Paano kung maisipan ng TV5 na simulan sa Lunes ang show ni Willie? Wala pala talagang habol ang ABS-CBN.

Show comments