With Rico Puno around, walang show, lalo’t live ang hindi magiging masaya. Pansin ko nga na kahit madalas ay binubusalan siya, maybe not literally, kundi sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaparehong role sa mga kasamahan niyang sina Marco Sison, Rey Valera at Nonoy Zuniga para mabawasan ang sasabihin niya pero, madalas nakakalusot pa rin siya. Masyado nang nasanay si Rico sa pagbibigay ng mga berdeng salita kung kaya hindi mo na ito matatanggal sa kanya. It’s fun pero, natutuwa rin kaya ang MTRCB? Lalo’t katanghalian kung umere ang Pilipinas Win Na Win?
Manood pa tayo at tingnan natin kung hanggang saan mapapayagan ang istilo ng pagpapatawa ni Rico J.
Ilangan ‘di nakakataka
Nakapagtataka ba kung magkailangan sina Kim Chiu at Gerald Anderson sa shooting ng movie nilang Till My Heartaches End? Isa itong love story at kahihiwalay lang nilang dalawa. Kahit ano pang sabihin na okay na sila, hindi mapasusubalian na isa na lamang silang tandem at hindi na loveteam.
Anumang paliwanag ang gawin nila, may epekto ito sa pagpapareha nila. Puwera na lamang kung talagang napakagagaling na nilang artista at kaya na nilang pekein ang kanilang damdamin para sa kapakanan ng kanilang pelikula.
That’s ibalik
Sana nga mapagbigyan ng GMA 7 ang kahilingan kong ma-revive ang That’s Entertainment. Ipinaabot ko na sa pinaka-big boss ng network ang aking request at inaasahan ko na ang pag-aaral na gagawin niya sa aking kahilingan ay maging pabor sa akin.
Marami rin naman akong nadiskubreng artista na naging malalaking pangalan at hanggang ngayon ay pinakikinabangan pa rin sa pelikula at maging sa telebisyon.