^

PSN Showbiz

Chairman Laguardia ginagamit pa, career ni Vice nanganganib matsugi dahil sa kayabangan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Hindi ko type ang pagtataray ni Vice Ganda kay Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Consoliza Laguardia. Unang-una, ginagawa lang ni Mama Consoliza ang kanyang trabaho. Bakit siya tinatarayan ni Vice?

Malapit na akong maniwala na mayabang nga ang komedyante dahil pati ang head ng MTRCB, inaaway niya! Parang nagagamit pa si Mama Consoliza sa promo ng pelikula ni Vice ha?

Matagal na ako sa showbiz at ako mismo ang makapagsasabi na balewala ang talent ng isang artista kung hindi siya marunong ma­kisama! Kukulangin ang space ng aking column kung iisa-isahin ko ang pangalan ng mga artista na mahuhusay umarte pero nawalan ng career dahil sa kanilang kayabangan!

Hihintayin pa ba ni Vice Ganda na siya ang madagdag sa listahan ng mga mayayabang na artista na natsugi ang career?

Personal kaming magkakilala ni Mama Consoliza kaya isa ako sa mga makapagpapatunay na mabuti siyang tao.

Walang bahid ng corruption ang kanyang pamamalakad sa MTRCB, kahit tanungin ninyo si Mother Lily Monteverde na isa sa mga bilib kay Chair Laguardia!

Hindi maganda na basta lamang tatarayan ni Vice ang MTRCB chair na ginagawa lamang ang trabaho bilang public official. Parang nanay na ni Vice si Chair Laguardia at ang kanyang pagtataray ay pagpapakita ng kawalan ng respeto sa mga nakatatanda.

Ang Viva Films ang sumugal sa kanya kaya nagkaroon ng launching movie. Sa pagtataray na ginawa ni Vice kay Mama Consoliza, parang binastos na rin niya si Boss Vic del Rosario, ang produ ng Viva Films na mataas din ang respeto sa current MTRCB head.

Enzo waging cutest male celebrity for 2010

May bagong show si Enzo Pineda sa GMA 7 pero hindi ko puwedeng sabihin ang concept dahil baka gayahin ng ibang network.

Makakasama ni Enzo sa bagong show sina Diva Montelaba at Sarah Lahbati. Excited na ang bagets at pinaghahandaan nito ang taping ng show dahil madugo ang mga rehearsals.

Magsisimula ang taping sa susunod na buwan at hoping si Enzo na hindi magkaroon ng conflict sa kanyang balak na panoorin ang laban nina Manny Pacquiao at Antonio Margarito sa Dallas, Texas.

Nagkita kami kahapon ni Enzo sa GMA Network Center building. Nagpatawag ng presscon ang GMA Artist Center para kay Enzo dahil siya ang nag-win ng Cutest Male Celebrity for 2010 ng Candy Magazine.

Tinalo ni Enzo si Sam Concepcion na apat na taon nang hawak ang nasa­bing titulo. Nanalo si Enzo dahil siya ang nakakuha ng pinakamataas na boto sa text at online voting.

Hindi nagkamali ang mga bumoto kay Enzo dahil perfect role model siya ng mga kabataan. Alam ko ang sinasabi ko dahil naging judge ako ng StarStruck V at dito ko nakilala ang tunay na ugali ni Enzo. Mabait siya, hindi inggitero at never nag-isip ng masama laban sa kapwa. Hindi nakapagtataka na kinaiinggitan at iniintriga si Enzo ng ibang mga young actors.

Kris nakahanap ng katapat

Pinag-uusapan kahapon ng mga reporters sa presscon ni Enzo ang pagkaimbyerna ni Kris Aquino kay Atty. Lorna Kapunan, ang abogado ni James Yap.

May reason para mairita si Kris kay Atty. Kapunan dahil hindi ito nangingilag sa kanya. Talagang sinasagot n Atty. Kapunan ang lahat ng mga sinasabi ni Kris laban kay James, lalo na ang mga maling bintang sa kanyang kliyente

Nakahanap si Kris ng katapat sa katauhan ni Atty. Kapunan.

vuukle comment

CHAIR LAGUARDIA

DAHIL

ENZO

KAPUNAN

KAY

MAMA CONSOLIZA

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with