MTRCB walang kuwenta para kay Vice Ganda

“Aminado ako na may masamang ugali rin ako pero sino ba sa atin ang wala? Wala akong masamang salitang binibitawan sa Showtime, ang nakakarinig lamang sa akin ang nagbibigay dito ng masamang kahulugan. ‘Yung pagmo-monitor sa akin, ibig sabihin pinag-iinitan lang nila ako. Ba’t sa akin lang sila naka-focus, wala na ba silang iba pang dapat i-monitor?

“Sa Diyos lamang at sa aking nanay ako natatakot, para sa akin hindi siya nagi-exist,” ang matapang na reaksiyon ni Vice Ganda sa mga salitang binitawan ni Chairman Consoliza Laguardia ng MTRCB.

Nag-grand presscon naman ang Petrang Kabayo, ang launching movie ni Vice Ganda na nakatakda nang mapanood sa Okt. 13 sa mga sinehan.

Sana raw ay maisingit ng bagong halal na si Roderick Paulate na konsehal ng Lungsod Quezon sa kanyang napakaabalang panahon ang pagdalo sa pa-premiere ng Petrang Kabayo sa Linggo, Oktubre 10, 8:30 ng gabi sa SM Megamall Cinema 10.

Samantala, isa si Vice Ganda sa napili para maging muse sa nagsisimulang PBA na ginanap sa Araneta Coliseum. Muse siya ng Powerade at nag-iisa siyang bading na nag-muse sa kalipunan ng magagandang artistang babae tulad nina Carla Abellana, Anne Curtis, Jennylyn Mercado, Nancy Castiglione at marami pang iba.

May isang bahagi ng makulay na opening ceremonies ng PBA na kung saan ay nagpamalas ng kanyang kahusayan sa pagdi-dribble ng bola si Vice Ganda nang hindi nadudulas kahit ang suot niya ay 5-inch high heels.

Na-miss na naman ng press si Luis Manzano na hindi na naman nakarating dahil mayroon itong taping. Nung huling presscon din ng Petra… ay wala rin ito.

Show comments