Na-pack up ang Noah taping ni Piolo Pascual noong Biyernes dahil sa aksidente na nangyari sa kanya habang naglalaro ng badminton noong Huwebes. “I wasn’t able to tape actually, after nang nangyari ‘yung accident, I rushed myself sa E.R. and had myself sedated for a couple of hours. I couldn’t sleep that night sobrang heavy, para akong may holen sa mata. I’m still on steroids and antibiotics,” bungad ni Piolo.
Paano nga ba nangyari ang aksidenteng kinasangkutan ni Piolo? “One backhand smash, na-hit ‘yung left eye ko, so as in bulls eye. Actually it’s double vision - 70% ng retina ko is swollen and I have blood clot. Kung di ko nalagyan ng ice pack ay baka kumalat ‘yung blood,” dagdag pa ni PJ.
Ngayon daw ay hangad ni Piolo na gumaling na kaagad in time for the 10.10.10. run for Pasig river sa darating na Linggo. “I’m still under medication, it’s hard because I can’t do strenuous activities and I can’t exercise. So I hope by Sunday, after a week I’ll be okay because I really wanna run. I really pray to get better,” pagtatapos pa ni Piolo.
Josh Ocampo nag-aambisyon sa showbiz
The world of showbiz is inarguably fascinating. Maaaring namamatay ka na sa puyat, pagod at gutom but once the cameras begin to roll, you smile and face the cameras nang para bang walang nangyari.
Once you become a star, you become public property. Pero sa kabila ng lahat ay marami pa rin ang gustong mag-artista. Marami pa rin ang mga nangangarap na mapabilang sa mga nagkikislapang bituin ng pinilakang tabing. Isa na rito ang Filipino-Spanish balikbayan na si Josh Ocampo.
Dalawang taon matapos dumating galing Amerika kung saan siya ay nanirahan ng anim na taon, Josh has been making a good impression on people not only because of what they see in him, but more on what they sense in him. Josh always talks about his passions. Isa na rito ang pag-arte.
Kung ang iba ay gustong mag-artista dahil gusto nilang sumikat o yumaman, Josh simply aims to please. Gusto raw niyang magpasaya ng mga tao at ang kanilang malalakas na palakpak ay musika sa kanyang pandinig. “It’s like being told, “Good job Josh,” sabi niya.
Anu-anong paghahanda ba ang ginagawa ni Josh ngayong sumabak na siya sa showbiz? He is working out to make his body even buffer than it already is para sa kanyang magiging roles lalo na sa drama at action. Si Josh ay abala rin sa kanyang mga singing at dancing lessons.
Okay lang sa kanya na gumawa ng mga sexy o gay roles kung ito ay makakatulong sa kanya para matuto na maging isang magaling na aktor.
Handa na rin siya sa mga intriga na maaaring ibato sa kanya but he resolves not to give them a reason to do so. Reports from JAMES C. CANTOS