MANILA, Philippines - Hindi na mapaghihiwalay ang mundo ng fashion sa musika. Kaya ang Mossimo ay naisipang pagsamahin ang dalawang elemento sa isang festival — Mossimo Band Entourage.
Tatlong banda ang magpapagalingan sa nasabing show, ang Eevee, Kiss Jane at ang Letter Day Story, na nakikilala na ngayong fashion trendsetters sa mga eskwelahan. Ang single na Sexy Cool ang naging anthem ng tatlo.
Ang Eevee, four-piece band ng Davao, ang nanalo sa nationwide college band competition noong isang taon na sinalihan ng mahigit isandaang banda.
Ang female-fronted band na Kiss Jane ay pinangungunahan ni Jaq Dionisio. Babae rin ang kanilang drummer, si Shiela Rosete, na galing sa bandang Juana.
Ang Letter Day Story naman ay tulad ng Eevee na isang college band at recording group na rin ng Sony Music
Ang full album na Sama Sama ay nasa radio stations at music video channels na rin ngayon. Dahil isang rock band, edgy style naman ng mga kulay itim na damit ang trip nila.
Abangan ang Mossimo Band Entourage sa Oct. 10, SM Pampanga; Oct. 15, Festival Mall; Oct. 16, Marquee Mall; Oct. 17, Trinoma; Oct. 23, Gateway Mall; Oct. 24, SM Megamall; Oct. 30, Robinsons Ermita; at Oct. 31, Glorietta 4 Activity Center.